• March 28, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Cayetano tiniyak kay Duterte aagahan ang approval sa budget; nag-sorry sa idinulot na ‘anxiety’

TINIYAK ni House Speaker Alan Peter Cayetano kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa taongbayan na sa kabila ng ingay sa girian sa speakership post sa Kamara ay aaprubahan nila “on time” ang 2021 proposed P4.5-trillion national budget.

 

Sinabi ito ni Cayetano matapos na magbanta si Pangulong Duterte sa Kamara na ayusin ang panukalang pondo para sa susunod na taon dahil kung hindi siya na mismo ang kikilos para gawin ito.

 

Bukas din aniya si Cayetano sa apela ng Pangulo na ihinto na ang pamumulitika dahil inilalagay lamang nito sa peligro ang kapakanan ng publiko lalo na ngayon sa gitna ng pandemya.

 

Kasabay nito, muling humingi nang paumanhin si Cayetano sa Pangulo at sa sambayanang Pilipino dahil sa “anxiety” na kanilang idinulot sa gitna ng kasalukuyang sitwasyon.

 

Sinabi ni Cayetano na sa Nobyembre 5 ay isusumite na nila sa Senado ang printed copy ng 2021 General Appropriations Bill (GAB) upang sa gayon ay maipagpatuloy na rin ng mataas na kapulungan ang kanilang mga pagdinig.

 

Ito ay isusumite ng mas maaga bago ang formal transmittal ng GAB sa Nobyembre 16 pagkatapos nilang mapagbotohan ito sa ikatlo at huling pagbasa.

 

Kasabay nito, ipinapangako ni Cayetano kay Pangulong Duterte na lahat ng hakbang na kanilang ginawa patungkol sa budget ay naayon sa itinatakda ng Saligang Batas sapagkat hindi aniya nila maaring isakripisyo ang ligalidad nito lalo na ngayong may pandemya.

 

Ang pondong kanilang tinatalakay ay natitiyak din niya na tutugon sa epekto ng public health crisis at para sa hinaharap ng bansa. (Daris Jose)

Other News
  • Malaysia at Thailand, kasama na sa mga bansang inaprubahan ni PDu30 na may travel ban

    INAPRUBAHAN na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang travel restrictions para sa lahat ng mga byahero na manggagaling sa Malaysia at Thailand o may history of travel sa mga nasabing bansa sa nakalipas na 14 na araw.   Ang mga ito ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ay hindi pupuwedeng papasukin ng Pilipinas.   “Nagdesisyon […]

  • PVL magbibigay-daan sa national team

    Nagdesisyon ang pamunuan ng Premier Volleyball League (PVL) na ipagpaliban muna ang pagtatanghal ng Reinforced Conference upang bigyang-daan ang training camp ng national team para sa Southeast Asian Games.     Ito ang inihayag ni PVL president Ricky Palou dahil nais ng liga na makatulong sa paghahanda ng national team sa Vietnam SEA Games na […]

  • PBBM, nakipagpulong sa ICT executives

    NAKIPAGPULONG si Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. sa mga opisyal ng fiber broadband provider Converge ICT Solutions, Inc. at  South Korea’s largest telecommunications firm, KT Corp., araw ng Biyernes sa Malakanyang.     Ibinahagi ni Pangulong Marcos sa kanyang official Facebook page ang larawan ng nasabing pakikipagpulong kina Converge ICT chief executive officer Dennis Anthony Uy […]