CBCP, ikinatuwa ang pag-OK ng IATF sa dagdag na pwedeng dumalo sa misa
- Published on February 16, 2021
- by @peoplesbalita
Patuloy pa rin ang panawagan ng ilang opisyal ng Simbahang Katolika sa mga mananampalataya na sundin pa rin ang ipinapatupad na minimum health protocols kapag dumadalo sa mga misa.
Ito ay kahit na ginawang 50 percent na ng gobyerno ang kapasidad ng mga dadalo sa bawat misa simula Pebrero 15.
Sinabi ni Father Jerome Secillano ang public affairs committee ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP), dapat huwag magpakumpiyansa hangga’t nasa panahon pa rin ng pandemya.
Ipinaliwanag pa rin nito na mahalaga ang pagdalo sa misa dahil ito ang isa sa mabisang paraan para matapos na ang COVID-19.
Magugunitang bukod sa pagdagdag ng bilang sa mga dadalo ng misa ay bubuksan na ng gobyerno ang ilang negosyo gaya ng sinehan, museum, tourist spots at mga parke para makabawi ang ekonomiya.
-
Ads September 16, 2020
-
DEVON, mukhang nakipag-break na kay KIKO dahil kay HEAVEN
NANGANGAMOY hiwalayan o hiwalay nga nga ang magkarelasyon na sina Devon Seron at Kiko Estrada. Naka-off ang comment section ng Instagram post ni Devon sa post niyang “The tounge may hide the truth but the eyes never.” Marami ang naka-get na patama ito ni Devon sa boyfriend. Nasundan pa ng post din […]
-
UTOL NG KAGAWAD KULONG SA DROGA
BAGSAK sa kulungan ang kapatid ng isang barangay kagawad matapos makuhanan ng mahigit P40,000 halaga ng illegal na droga makaraang masita dahil walang suot na face mask sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Caloocan City Police chief P/Col. Samuel Mina ang naarestong suspek na si Zandro Reyes, 48, construction worker ng […]