CBCP nanawagan sa publiko na manatiling sumunod sa mga protocols ngayong panahon ng Semana Santa
- Published on April 11, 2022
- by @peoplesbalita
NANAWAGAN ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa publiko na panatilihin ang pagsunod sa mga ipinatutupad na health and safety protocols lalo na ngayong maraming mga aktibidad ang nakatakdang ganap sa panahon ng Semana Santa.
Sa isang statement ay muling nagpaalala si CBCP President at Caloocan Bishop Pablo Virgilio David sa lahat na huwag pa rin na makakapante kahit na tuluy-tuloy na ang pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.
Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng patuloy na pagsunod sa mga ipinatutupad na protocols ng pamahalaan bilang proteksyon at upang tuluyan nang matapos ang pandemyang kinakaharap ng ating bayan.
Inilabas ng bishop ang kanyang pahayag kasunod ng naging babala ng Department of Health (DOH) na posibleng pagmulan muli ng surge ang ilan sa mga religious practices , tulad ng pahalik.
Samantala, nilinaw ni Bishop David na hanggang ngayon ay hindi pa rin hinihimok ang mga tao na gawin ang mga naturang religious practices kasabay ng pagsasabing marami pang ibang paraan upang magsakripisyo o magpepenitensya, tulad na lamang ng pagtulong sa mga mahihirap at nangangailangan.
Nakatakda ang pagsisimula ng Lenten Season, Palm Sunday, April 10 at magtatapos naman sa Easter Sunday, na gaganapin naman sa April 17.
-
Pinoy na nagsabing mahirap, bahagyang bumaba
BAHAGYANG bumaba ang bilang ng mga Pinoy na ikinokonsidera ang kanilang mga sarili bilang mahirap, batay sa nationwide survey ng Social Weather Stations (SWS) sa unang bahagi ng Disyembre 2023. Sa nasabing survey, 47% umano sa mga respondents ang nagsabi na sila ay mahirap o tinatayang 13.0 milyong self-rated poor families. […]
-
Sinovac, natatanging opsyon ng ‘Pinas -Sec. Roque
Ang COVID-19 vaccine na Sinovac mula sa China ang natatanging opsyon para sa pagbabakuna sa mga Filipino hanggang sa kalagitnaan ng taon. Ang first batch ng Sinovac vaccine ay nakatakdang dumating sa bansa sa Pebrero habang ang mga doses mula sa Western drug makers ay magiging available pa lamang sa buwan ng Hunyo. “Pagdating po […]
-
‘Epektibo agad’: DepEd inaprubahan boluntaryong face masks sa loob ng school
MAAARI nang hindi magsuot ng face masks ang mga estudyante sa loob ng kani-kanilang mga silid-aralan laban sa COVID-19, ito kasunod ng ipinatupad ng Executive Order 7 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ito ang kinumpirma ni Department of Education spokesperson Michael Poe, Martes, matapos tanungin ng media. “We will follow [Executive […]