CBCP, pinasalamatan ang mga guro
- Published on October 6, 2021
- by @peoplesbalita
Pinasalamatan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga guro na malaki ang ginampanan sa paglinang ng kaalaman ng mga kabataan. Sa pahayag ni CBCP President, Davao Archbishop Romulo Valles sa Radio Veritas, kinilala nito ang bawat sakripisyo ng mga guro upang hubugin ang kabataan para sa mas maayos at maunlad na pamayanan.
“Today we celebrate National Teachers’ Day. As a people we show our sincere gratitude and appreciation in a very special way today to our teachers for their constant sacrifice and dedication in fulfilling their very crucial role in our society – the educational formation of our young people,” pahayag ni Archbishop Vallles sa Radio Veritas.
Bilang pakikiisa sa mga guro,nag-alay ng panalangin sa banal na misa sa mga simbahan noong October 3 para sa patuloy na paggabay at kaligtasan ng bawat guro sa lipunan.
Nagbigay pugay din ang arsobispo sa determinasyon ng mga guro sa panahon ng pandemya na gumagawa ng mga hakbang upang maipagpatuloy ang pag-aaral ng mga kabataan gamit ang online at blended learning na malaking hamon sa bawat isa.
Dahil dito, iginiit ni Archbishop Valles ang kahalagahan ng panalangin para sa katatagan ng bawat guro lalo’t kabilang ang kanilang sektor sa mga service frontliners na nahaharap sa iba’t ibang uri ng panganib bukod sa lumaganap na coronavirus.
“We know that these days, with the ongoing pandemic, our teachers are fulfilling their role in very difficult circumstances. We need to encourage our teachers. We pray to the Lord to give them strength, and to give them joy, the joy that comes from selfless serving and giving,” ani Archbishop Valles.
Sa tala ng Department of Education halos isang milyon ang mga kawani sa sektor ng edukasyon kung saan mahigit sa 800-libo rito ay pawang mga guro. Patuloy din ang paghahanda ng Pilipinas sa inaasahang pilot testing ng limited face-to-face classes sa piling 120 paaralan sa bansa partikular sa mga lugar na mababa ang kaso ng COVID-19.
Hinimok ng opisyal ng CBCP ang bawat mamamayan na idalangin sa Panginoon ang katatagan ng bawat guro na hindi lamang naglilinang para maging makabayan subalit higit sa lahat ang pagiging maka-Diyos ng mga kabataan.
“We commend them to the Lord; that the Lord may continue to guide and strengthen them, to inspire them to be not only Maka- Tao at Maka-Bayan; not only to be Maka-Kalikasan in the manner they teach, but we pray too, that our teachers will always be Maka- Dios in the way they educate our young people,” giit ng arsobispo.
Tuwing ikalima ng Oktubre ginugunita ang World Teachers Day para parangalan ang bawat guro na katuwang ng mga magulang sa paghuhubog ng mga kabataan at maging kapakipakinabang na mamamayan sa mga susunod na henerasyon.
-
Ilang taon ding nabakante sa pag-arte: MARIAN, aminadong mangangapa sa pagbabalik-serye at sa pelikula
AMINADO si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na mangangapa siya sa pag-arte pagkatapos ng ilang taon na mabakanteng gumawa ng pelikula at teleserye. Inaayos na nga nina Marian at Dingdong Dantes ang kanilang schedule para sa nakaka-excite na reunion movie nila na “Rewind” under Star Cinema, APT Entertainment at AgostoDos Pictures, na idi-direk […]
-
Mga kandidatong may asosasyon sa POGO, huwag iboto
HINIKAYAT ni House Assistant Majority Leader Ernix Dionisio Jr. ng Manila ang mga botante na huwag iboto ang mga kandidato sa halalan sa Mayo na may kaugnayan sa ipinagbawal na Philippine offshore gambling operators (POGOs). “Ang problema natin naman ngayon na hinaharap natin, same individuals involved in illegal gambling in POGOs. They’re trying to get […]
-
MAG-ASAWA na BACKRIDING sa PRIVATELY USED MOTORCYCLE, PINAYAGAN NA
Pero mga safety experts hindi pabor sa paglagay ng metal barrier sa pagitan ng rider at angkas na pasahero. Magandang balita na sana para sa mga may family-use motorcycles dahil sa wakas ay pinayagan na ang angkasan ng mag-asawa – kung kasal o hindi ay dapat bang linawin sa guidelines. Pero may dagdag gastos […]