Cebu Bus Rapid Transit Project posibleng mahinto
- Published on June 8, 2023
- by @peoplesbalita
NAGBABALA ang isang Chinese contractor ng Cebu Bus Rapid Transit System (CBRTP) Package 1 na kanilang ihihinto ang construction works nito kapag ang Department of Transportation (DOTr) ay mabigong magbayad ng paunang 10 porsiento ng kabuohang kontrata na gagamitin bilang mobilization fund.
Binigyan ang DOTr ng hanggang June 15 upang bayaran ang nasabing halaga na siya naman kinumpirma ni Cebu BRT Project Manager at City Councilor Jerry Guardo na siya rin chairman ng city council’s Committee on Infrastructure.
“The Hunan Road and Bridge Construction Group Ltd is demanding 10 percent mobilization fund. Until now, they have not received it yet,” wika ni Guardo.
May kabuuang mahigit sa P900 million ang ginawad ng DOTr sa nasabing Chinese contractor. Sinabi ni Guardo na may mga contractors na nagsisimula na ng construction works kahit na hindi pa sila nababayaran ng advance payment.
Ang Hunan group ay minamadali ang construction works ng Cebu BRT Project’s Package 1 na matapos dahil si mismong President Marcos ang may gustong matapos na ito ngayon December na siyang magiging isang regalo niya sa mga Cebuanos.
“If the DOTr will not give in to their demand to pay the mobilization fund by June 15, the construction works will definitely be suspended. However, if they keep on their promise to pay, then the construction works will continue,” dagdag ni Guardo.
Inaasahang mabibigyan ng kaukulang pansin ng DOTr ang nasabing concerns ng Hunan sa loob ng 10 araw. Umaasa naman si Guardo na aaksyunan agad ng DOTr ang problema upang hindi magkaron ng balakid ang construction works na siyang nakadadagdag sa inconvenience ng commuting public.
Ayon naman kay CBRT Project Manager Engr. Norvin Ymbong na natanggap na ng DOTr ang sulat mula sa Hunan at sa ngayon ay ang check ay pipirmahan na lamang.
“Although the issue on the payment has yet to be settled, a special meeting had been set with some of the Cebu City department heads and other agencies to discuss lot acquisition, timeline, and other matter pertaining to Cebu BRT project” saad ni Cebu Brt Technical Head Engr. Carmella Enriquez.
Sinumulan noong nakaraang March ang construction works ng Cebu BRT Project. Ito ay may tatlong packages na nagkakahalaga ng P16.3 billion. Ang Package 1 ay may 2.38 kilometers na segregated bus lane na may apat na bus stations. Habang ang Package 2 ay may 10.8 kilometers at ang Package 3 ay may 22.1 kilometers na haba.
Ang Package 1 lamang ang naigawad na sa contractor habang ang 2 packages ay wala pang napiling constractors. LASACMAR
-
Chot Reyes may napupusuan ng mga manlalaro na sasabak sa FIBA World Cup
MAY mga manlalaro ng napipili si Gilas Pilpinas coach Chot Reyes na isasabak para sa FIBA World Cup sa susunod na taon. Sa ginawang pagpupulong Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) inilatag ni Reyes ang mga potensiyal na mga magagaling manlalaro mula sa PBA, UAAP at NCAA. Kanila aniya itong ini-screen para […]
-
Premium rate ng PhilHealth sa 2023, mananatili sa 4%
TINIYAK ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na mananatili pa rin sa 4% ang kanilang premium rate na may income ceiling na P80,000 para sa CY 2023. Ito ay bilang pagtalima na rin sa direktiba ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na suspindihin ang nakatakda sanang premium rate increase na mula 4.0% ay gagawin […]
-
P6B emergency loan, inilaan ng GSIS para sa maapektuhan ng bagyong Betty
NAGLAAN ang Government Service Insurance System (GSIS) ng P6 billion na emergency loan ngayong taon para sa mga miyembro at pensioners nito na maapektuhan ng kalamidad. Ang anunsiyong ito ng ahensiya ay kasabay na rin ng pagpasok ng bagyong Betty sa Philippine area of responsibility. Ayon kay GSIS President at General […]