• April 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Celtics inagaw ang No. 1 seed sa East

SA ISANG  iglap ay napasakamay ng Celtics ang No. 1 spot sa Eastern Conference.

 

 

Humataw si Jayson Tatum ng 34 points at nag­lista si Jaylen Brown ng 31 points at 10 rebounds para banderahan ang Boston (47-28) sa 134-112 pagdakma sa Minnesota Timberwolves (43-33).

 

 

Ito ang ikaanim na sunod na arangkada ng Celtics na nakamit ang top spot sa East dahil sa pagkatalo ng Philadelphia 76ers sa NBA-leading Phoenix Suns.

 

 

May magkaparehong baraha ang Boston at M­iami, ngunit dalawang beses tinalo ng Celtics ang Heat ngayong season.

 

 

Nagposte ang Celtics ng double-digit lead sa second quarter patungo sa 72-49 pagbaon sa Timberwolves, nakahugot kay Anthony Edwards ng 24 kasunod  ang 19 markers ni Karl-Anthony Towns.

 

 

Sa Phoenix, tumipa si Devin Booker ng 35 points at  nag-ambag si Chris Paul ng 19 points at 14 assists sa 114-104 pagtusta ng Suns (61-14) sa 76ers (46-28).

 

 

Nagtapos ang three-game winning streak ng Philadelphia na nakakuha kay Joel Embiid ng 37 points at 15 rebounds.

 

 

Sa Washington, nag­lista si Corey Kispert ng career-high 25 points sa 123-115 panalo ng Wizards (32-42) sa Golden State Warriors (48-27).

 

 

Sa iba pang laro, tinalo ng New Orleans Pelicans ang Los Angeles Lakers, 116-108; lusot ang New York Knicks sa Detroit Pistons, 104-102; wagi ang Dallas Mavericks sa Utah Jazz, 114-100; at binigo ng Charlotte Hornets ang Brooklyn Nets, 119-110.

 

Other News
  • Patuloy na nakikipaglaban sa Type 2 Diabetes: DONITA, nagpapasalamat dahil sa tapang ng asawa na si FELSON

    NAGPASALAMAT si Donita Rose dahil sa tapang ng kanyang mister na si Felson Palad na ilang taon nang nakikipaglaban sa sakit nito na Type 2 Diabetes.     Ayon sa World Health Organization (WHO): “Diabetes as a chronic disease that occurs either when the pancreas does not produce enough insulin or when the body cannot […]

  • 93 magsasaka, supporters inaresto sa ‘bungkalan’ sa Tarlac; red-tagging inireklamo

    DINAMPOT ng pulisiya ang lagpas 90 aktibista’t magsasaka sa Concepcion, Tarlac, Huwebes, para sa reklamong “malicious mischief” at “obstruction of justice” sa isang sakahan — pero ayon sa mga grupo, benepisyaryo ng Comprehensive Agrarian Reform Program ang mga nabanggit noon pang 1998 at magtatanim lang.     Ayon sa Police Regional Office 3, 9 a.m. […]

  • PDU30, nag-aalala para sa kanyang gabinete

    LABIS na nag-aalala si Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa mga miyembro ng kanyang gabinete.   Ito ang dahilan kaya’t agad na nagtanong ang Pangulo sa ginawang Cabinet meeting kagabi kung kailan mababakunahan ang mga miyembro ng kanyang gabinete.   Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na na kailangang idulog ang tanong ng Punong Ehekutibo […]