• April 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Cha-cha aprub na sa Kamara

LUSOT na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panawagang pag-amyenda sa 1987 Constitution o Charter change.

 

 

Sa botong 301 pabor, anim kontra at isang abstention ay ganap na naipasa ang Resolution of Both Houses (RBH) 6 na nanawagan ng reporma sa ekonomiya sa pamamagitan ng Constitutional convention (Con-con) bilang paraan ng pag-amyenda sa Saligang Batas.

 

 

Ang RBH 6 na pangunahing iniakda nina Speaker Martin Romualdez, Majority Leader Manuel Jose Dalipe, Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte, Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez at Kapatiran Party ay para sa layuning amyendahan ang probisyon sa ekonomiya upang lumikha ng trabaho at kumita para suportahan ang mga pro-poor programs ng gobyerno.

 

 

Sinabi ni Romualdez na ililimita ang Cha-cha sa probisyon sa ekonomiya ng pangunahing batas ng bansa upang makaakit ng mga dayuhang mamumuhunan.

 

 

Binigyang diin ni Romualdez na ang reporma sa investment sa pamamagitan ng probisyon sa ekonomiya ay magsisilbing huling piraso sa isang ‘puzzle’ para mapagbuti ang ekonomiya at investment sa bansa.

 

 

Samantala, aprubado na rin ng komite ang paghahalal ng mga delegado sa Con-con na isasabay sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Oktubre 30, 2023. (Ara Romero)

Other News
  • Pag-amin ni PDu30, walang garantiya na hindi siya mabibiktima ng Covid-19

    SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na walang garantiya na hindi siya mabibiktima ng Covid- 19 kahit pa nabakunahan na siya laban dito.   “There is no way, guarantee that I will not be a victim of COVID,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk To The People, Miyerkules ng gabi.   “At no other […]

  • BRAD & CO-STARS MAKE PIT STOPS TO EUROPEAN CITIES TO PROMOTE “BULLET TRAIN”

    THE stars of Bullet Train dazzled in Paris, Berlin and London as the European tour kicked off earlier this week! Check out the photos below of Brad Pitt, Joey King, Aaron Taylor-Johnson and Brian Tyree Henry on the red carpet and photocall events.     Watch Bullet Train in cinemas across the Philippines on August 03.     Trailer: https://youtu.be/Eku2gerbnMc […]

  • Gobyerno, target na malampasan ang 100% rice self-sufficiency- PBBM

    TARGET ng pamahalaan na malampasan ang 100-percent rice self-sufficiency gamit ang agricultural initiatives nito.     Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang weekly vlog na ipinalabas, araw ng Sabado.     Sinabi ng Pangulo na itinutulak ng kanyang administrasyon ang iba’t ibang proyekto at programa na makatutulong sa mga Filipino […]