• March 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Chavit handang mamagitan sa pamilya Yulo

SA PAGPASOK ng Kapas­kuhan ay inalok ni da­ting Ilocos Sur Gov. Luis “Chavit” Singson (gitna) ang kanyang sarili para maging simbolo ng pagmamahal at pagpapatawad sa pagitan ni Paris Olympic hero Carlos Yulo at ng kanyang amang si Andrew (ikalawa mula sa kaliwa), ina na si Angelica (ikatlo mula sa kaliwa) at mga kapatid na sina Elaiza.

 

 

 

(ikalawa mula sa kanan) at Eldrew (kanan). Nagkaroon ng sigalot ang pamilya Yulo simula noong nakaraang taon. Lalo pa silang nagkalayo nang manalo si Carlos ng dalawang gold medals sa Paris Olympics.

 

 

Sinabi ni Singson na walang katumbas na tagumpay ang maaaring pumantay sa pag-ibig at respeto para sa kanyang pamilya. Ayon kay Singson, ang pagpapatawad, pag-uunawaan at pagmamalasakit ang dapat mangibabaw sa mga pamilyang Pilipino. At sa papalapait na Kapaskuhan ay sinabi ni Singson na ipinagdarasal ng sambayanan ang muling pagsasama-sama ng mga Yulo.

 

 

Nauna nang binigyan ni Singson ang pamilya Yulo ng isang pre-Yuletide present na P1 milyon.

Other News
  • South Korea dedesisyunan ng FIBA

    DEDESISYUNAN ng International Basketball Federation (FIBA) ang ipapataw nito sa South Korea matapos itong mag-withdraw sa 2023 FIBA World Cup Qualifiers.     Pormal nang natanggap ng FIBA ang sulat ng Korea Basketball Association (KBA) bilang paliwanag sa biglaan nitong pag-withdraw sa qualifiers na ginaganap sa Smart Araneta Coliseum.     “FIBA was informed by […]

  • Emma Malabuyo, wagi sa balance beam title sa UCLA

    NANGUNA ang Filipino American Olympian na si Emma Malabuyo sa US National Collegiate Athletic Association (NCAA) season kung saan nagpakitang gilas ito para sa University of California, Los Angeles (UCLA) Bruins. Ginanap ang naturang  sports events sa Big Ten Conference women’s gymnastics showdown laban sa Michigan State Spartans at tinanghal siyang kampeon sa balance beam na may kahanga-hangang […]

  • Pacquiao tinanggalan ng titulo

    Tinanggalan ng korona ng World Boxing Association (WBA) si welterweight king Manny Pacquiao dahil bigo nitong madepensahan ang titulo sa mahabang panahon.     Mula sa pagiging “super champion,” nagpasya ang WBA Championships Committee na gawin itong “champion in recess” habang si Cuban Yordenis Ugas na ang magsisilbing “super champion” simula ngayong araw.     […]