• October 3, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Checkpoint ops ng PNP palalakasin sa mga boundaries

Nilinaw ngayon ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) hindi na pinapayagan ang sinumang nais lumabas at pumasok sa Metro Manila batay sa context ng bubble requirement ng national government.

 

 

Ayon kay PNP Spokesperson BGen. Ildibrandi Usana, dahil nasa NCR ang outbreak ng Covid-19 virus minarapat ng national government na lakihan ang spread ng boundaries.

 

 

Layon nito na malimitahan ang paglabas-masok ng publiko sa Greater Manila Area para maiwasan ang pagtaas pa ng kaso ng Covid-19.

 

 

Walang travel restrictions within sa NCR, Cavite, Bulacan, Rizal at Laguna dahil ikinukunsidera ang mga ito na one bubble, NCR+.

 

 

Pinapayagan lamang bumiyahe sa ibang probinsiya kung ang biyahe ay essential at ang pinakamahalaga ay ang compliance sa LGU arrival requirement.

 

 

Sinabi ni Usana may mga checkpoints nang itinalaga sa loob at labas ng mga boundaries.

 

 

Ang pinapayagan sa ngayon na pumasok ng Metro Manila ay ang mga essential workers lamang o yung mga authorized persons outside residence (APOR) kasama na dito ang mga delivery goods and services.

 

 

Ang mga hindi essential workers ay hindi maaaring makapasok ng Metro Manila.

 

 

Ayon kay Usana sa dalawang linggo ipatutupad ng PNP ang ganitong set-up kaya hindi puwedeng makalabas ang sinoman sa NCR maliban na lamang kung mayruong maipakitang ID na isa itong essential workers.

 

 

Apela ng PNP sa publiko na huwag nalang munang bumiyahe para magbakasyon at manatili na lamang sa bahay ngayong Semana Santa.

 

 

Nilinaw naman ni Usana na naka depende sa mga local chief executives kung anong mga pamamaraan na kanilang ipatutupad sa mga lumabag o violators.

 

 

Paalala ng PNP may umiiral pa ring curfew hours kaya kung nais bumiyahe mula NCR patungong Cavite, Laguna, Rizal, Bulacan dapat gawin ito sa umaga o hapon ng sa gayon hindi masita sa mga checkpoints. (Daris Jose)

Other News
  • Taas pasahe sa LRT 1, LRT 2 simula Aug. 2

    NAHAHARAP ang mga pasahero ng Light Rail Transit Line 1 (LRT1) at Light Rail Transit Line 2 (LRT2) sa pagtataas ng pamasahe simula sa darating na Aug. 2.       Sa isang pahayag ng Department of Transportation (DOTr) noong nakaraang Lunes ay kanilang sinabi na magkakaroon ng pagtataas ng pamasahe sa dalawang rail lines. […]

  • Caperal sa Barangay Ginebra San Miguel nagkapangalan

    MUKHANG magwawakas na ang professional basketball career ni Prince Caperal noong 2017.   Kulelat na siya sa Terrafirma Dyip (dating Columbian Dyip), pinakawalan na siya at naging free agent. Wala ng nagkainteres sa kanyang Philippine Basketball Association (PBA) teams.   Nasilip siya ni Barangay Ginebra San Miguel team governor/team manager Alfrancis Chua ang 6-foot-7 big […]

  • Michael Keaton Directed Noir Thriller Reveals Al Pacino & Cast

    AFTER finding himself in the middle of the continued content turmoil at Warner Bros. Discovery and DC, Michael Keaton has shifted his focus to his upcoming noir thriller Knox Goes Away, which has revealed Oscar-winning actors Al Pacino and Marcia Gay Harden and Westworld star James Marsden as members of its impressive cast.   Keaton, […]