• September 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

CHED, gustong i-digitalized ang scholarships, ibang serbisyo

Waving colorful national Philippine flag

PALALAWAKIN ng Commission on Higher Education (CHED) ang  digitalization efforts ng administrasyon para ma-cover ang mas marami pang serbisyo kabilang na ang scholarship.

 

 

Ang  pahayag na ito ni CHED chairperson Prospero de Vera III  ay matapos tintahan ng CHED at Department of Information and Communications Technology (DICT) ang memorandum of understanding (MOU) para sa e-governance para pagsamahin ang information and communication technologies (ICT) sa  higher education sector.

 

 

Layon ng  memorandum  na i-promote ang “relevant and quality” higher education sa pamamagitan ng integrasyon ng  ICT sa sektor ng edukasyon.

 

 

“Ang balak ng CHED ay makipagtulungan sa DICT para iyong mga kailangang dokumento ng mga estudyante at iyong mga serbisyo na ibinibigay natin sa mga estudyante ay puwede nang kunin online,” ayon kay De Vera.

 

 

Sa ilalim ng scholarship digitalization plan, tinitingnan ng CHED na  makapag-secure ng ilang “landing page” kung saan ang mga estudyante ay madaling magkaka-access sa application information.

 

 

“Nandoon lahat ng scholarship ng CHED para mabasa nila iyong impormasyon, ano iyong requirements, ano iyong mga deadline tapos unti-unti gagawin natin iyong application ay online,”  aniya pa rin.

 

 

Maliban sa  scholarship services, idi- digitalize  ng CHED ang proseso ng sertipikasyon at pagkuha ng kinakailangang mga records ng bagong graduates para sa pagtatrabaho.

 

 

“Kaya’t doon sa mga handa ng mga pamantasan na sumama sa platform gagawa tayo ng signing ceremony din with DICT para sila ay sumama na sa platform at puwede nang aplayan iyong mga transcript at diploma doon,” ayon pa rin kay De Vera.

 

 

Samantala, nakiisa naman ang CHED  sa opisyal na paglulunsad ng  electronic governance Philippines (eGov PH) Super App  ng gobyerno noong Hunyo 2. (Daris Jose)

Other News
  • Ads October 15, 2021

  • SRA ng healthcare workers naipamigay na

    Iniulat ni Health Secretary Francisco Duque III na naipamahagi na nila ang ‘special risk allo­wances (SRA)’ ng batches 3 at 4 ng mga healthcare workers sa iba’t ibang bahagi ng bansa.     Sinabi ni Duque na aabot sa P617.2 milyon ang kabuuang halaga ng SRA na kanilang naipamahagi sa kabuuang 48,226 HCWs nitong Oktubre […]

  • Pagbabayad sa kuryente, tubig, unti-untiin

    Kapwa nagpaalala ang mga pamunuan ng Manila Electric Company (Meralco) at ng Metropolitan Waterworks and Se­werage System (MWSS) sa kanilang mga kon­syumer na kung kakayanin ay unti-untiin na nilang bayaran ang kanilang mga nakonsumong kur­yente at tubig upang hindi magkapatung-patong ang kanilang bayarin.     Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, “Kung meron namang kakayahan […]