• January 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

CHED, pinag-aaralan ang limited face-to-face classes sa lahat ng degree programs sa low-risk areas

PINAG- AARALAN ng Commission on Higher Education (CHED) ang posibilidad na payagan ang limited face-to-face classes sa mga lugar na may mababang kaso ng COVID-19 at may mataas na vaccination rates.

 

“In addition to limited face-to-face by degree program, pinag-aaralan na namin kung puwedeng payagan ang mga eskuwelahan na mag-limited face to face classes in all degree programs in areas that have very low COVID prevalence and very high vaccination rate,” ayon kay CHED Chairman Prospero De Vera III sa virtual pres briefing ni Presidential pokesperson Harry Roque.

 

Sa kasalukuyan kasi, ang face-to-face classes sa tertiary level ay limitado lamang sa medisina at allied health sciences.

 

Kamakailan, may limang degree programs gaya ng Engineering and Technology programs, Hospitality/Hotel and Restaurant Management, Tourism/Travel Management, Marine Engineering, at Marine ang nadagdag sa listahan.

 

“Kung papayag ang local government, kung mataas na vaccination rate sa area at mababa ang classification nila as far as COVID is concerned, baka papayagan na natin pagdating sa mga susunod na buwan ang mga eskwelahan na maglilimited face-to-face classes in all their degree programs as long as they abide by the guidelines and they are inspected,” ang pahayag ni De Vera.

 

Ani De Vera, base sa CHED data, may 73% ng personnel sa 1,488 kolehiyo at unibersidad sa buong bansa ang nabakunahan laban sa COVID-19.

Other News
  • Alex, na-bash nang husto dahil sa ginawang ‘tiktok pandesal’; nag-react sina Mikee at Toni

    ANG daming namba–bash kay Alex Gonzaga dahil sa ‘tiktok pandesal’ niya.   Nandiyang comment ng mga netizens, “very consistent, baduy, annoying.”   “Hindi nga talaga maganda… 🙁 ako nahiya sa BF nya”   “Marami talaga siyang panget or off na ginagawa at sinasabi. Sana matuto si Alex na makinig sa feedback.”   Dagdag pa na […]

  • 6 arestado sa tupada sa Valenzuela

    Anim katao kabilang ang tatlong senior citizen at isang bebot ang arestado matapos salakayin ng pulisya ang isang illegal na tupadahan sa Valenzuela city.     Kinilala ni Northern Police District (NPD) PBGEN Nelson Bondoc ang mga naaresto na si Francisco Valenzona Jr., 61, Hermande De Jesus, 61, Willington Grefalda, 73, Jay-Jay Samonte, 31, Larry […]

  • JINGGOY, ipinasilip ang puntod na pinagawa ni ERAP

    IPINASILIP na ni former Senator Jinggoy Estrada sa kauna-unahang pagkakataon ang puntod na pinagawa mismo ng kanyang ama na si dating Pangulong Joseph “Erap” Ejercito Estrada, sa Tanay, Rizal.   Isa ito sa mga dapat abangan sa bagong episode ng YouTube channel ni Jinggoy na Jingflix.ph kung bakit nga ba nagpagawa ng kanyang puntod si […]