Chery Tiggo kakasa sa Creamline sa QF series
- Published on March 13, 2025
- by Peoples Balita
ANG Chery Tiggo ang hahamon sa nagdedepensang Creamline sa best-of-three quarterfinals series ng 2024-25 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference.
Ito ay matapos talunin ng Crossovers ang Farm Fresh Foxies, 29-27, 15-25, 25-22, 25-21, para walisin ang Pool B sa play-in tournament kahapon sa PhilSports Arena sa Pasig City.
Pumalo si Ara Galang ng 20 points mula sa 16 attacks, tatlong blocks at isang service ace para sa 2-0 sweep ng Chery Tiggo sa kanilang grupo.
Una nilang pinadapa ang Nxled, 25-22, 26-24, 25-12, noong Marso 6 sa pagsisimula ng single-round play-in tourney.
“Pantay na eh. Wala na iyong nasa itaas, although sila iyong defending champion,” ani Galang sa Creamline, ang 10-time PVL champions. “Ang mahalaga mag-start siya sa team namin, kung ano iyong kaya naming ipakita, kung ano iyong kaya naming pagtrabahuhan as a team.”
Umiskor si Shaya Adorador ng 18 markers habang may 13 points si Ces Robles at naglista si setter Alina Bicar ng 17 excellent sets.
Nagdagdag sina middle blockers Seth Rodriguez at Aby Maraño ng pito at limang puntos, ayon sa pagkakasunod.
Humataw si Trisha Tubu ng 22 points mula sa 20 attacks at dalawang blocks para sa Foxies.
Bumangon ang Chery Tiggo sa kabiguan sa second set sa pag-angkin sa 25-22 panalo sa third frame sa pangunguna nina Galang, Robles at Adorador.
Ang off-the-block kill naman ni Adorador sa atake ni Tubu ang tuluyan nang tumapos sa laro.
-
Sa Los Angeles na ipu-pursue ang singing career… JAMES, naging emosyonal ang paggo-goodbye at pinabaunan ng ‘goodluck’ ng netizens
NAGING emosyonal ang paggo-goodbye ni James Reid sa kanyang pamilya na naghatid sa airport dahil tuluyan itong umalis ng bansa at papunta ng Los Angeles. Binigyan din siya ng farewell party ng mga kaibigan dahil nagdesisyon na nga si James na I-pursue ang career sa Amerika, particular na sa kanyang international collabs sa […]
-
Laban ni Holyfield at Tyson hindi na matutuloy
Tinapos na ng kampo ni boxing legend Evander Holyfield ang usapin na magkakaroon sila ng laban ni Mike Tyson. Ayon kay Holyfield na hindi kinagat ng kampo ni Tyson ang usapin na ikatlong paghaharap sana nila. Ayaw aniya nilang masayang ang oras nila na patuloy na panghikayat na humarap si Tyson. […]
-
Gunman na pumatay sa radio commentator na si Percy Lapid, sumuko
SUMUKO na ang gunman sa pumatay diumano sa radio commentator na si Percy Lapid (Percival Mabasa), na siyang ngumuso rin sa tatlo pang suspek habang isinisiwalat na tumanggap siya ng utos mula sa loob ng Bilibid. Martes nang iharap ni Interior Secretary Benhur Abalos ang suspek na si Joel Salve Estorial, na sumuko […]