China, muling pinagtibay ang commitment sa joint oil, gas development sa Pinas
- Published on February 2, 2024
- by @peoplesbalita
HINDI nagbabago ang posisyon ng China sa joint development ng oil at gas sa Pilipinas.
Nagpalabas ang Chinese Embassy ng kalatas bilang tugon sa suhestiyon ni dating Energy undersectary Eduardo Mañalac para sa isang independent oil at gas exploration ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).
“Our position on joint development of oil and gas with the Philippines remains,” ayon sa Chinese Embassy.
Sa isang online forum na inorganisa ng National Youth Movement para sa West Philippine Sea, binigyang-diin ni Mañalac ang kahalagahan na ipakita ang kakayahan ng Pilipinas para i-explore ang West Philippine Sea.
“The Philippines can and will explore the West Philippine Sea through a capable and well-organized national company that can do the job for us,” aniya pa rin.
Inulit naman nito ang posisyon ng National Task Force on the West Philippine Sea (NTF-WPS) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), na nauna nang nagpahayag ng kanilang layunin na magtatag ng gas field sa West Philippine Sea kahalintulad ng tagumpay ng Malampaya Gas Field.
Ang pagtugon sa mga concerns ng maaaring panghihimasok ng China, binigyang diin ni retired US Naval Captain at international defense at security analyst Carl Schuster ang hamon na pangasiwaan ang sitwasyon.
“The challenge will be how China interferes; one of the things they will do is military interference,” ayon pa rin kay Schuster.
Bilang tugon, sinabi naman ng Chinese Embassy na hindi ito tumutugon sa opinion ng mga eksperto.
Hinikayat nito ang mga kaugnay na bansa na iwasan ang anumang iresponsableng aksyon at igalang ang regional efforts para ipreserba ang kapayapaan at katatagan sa South China Sea. (Daris Jose)
-
Chinese nuclear-powered submarine lumubog noong unang bahagi ng taong kasalukuyan -US official
SINABI ng isang senior U.S. defense official na ang pinakabagong nuclear-powered attack submarine ng Tsina ay lumubog noong unang bahagi ng taong kasalukuyan. Maituturing itong isang malaking kahihiyan para sa Beijing na hangad na mapalawak ang military capabilities nito. Sa ulat, sinasabing ang Tsina ay mayroon ng pinakamalaking navy sa buong mundo, mayroong […]
-
Ads January 4, 2020
-
Sinalo na ang lahat ng blessings ng bagong mommy: Perfect proposal ni GREG kay ANGELICA, pinuri ng mga netizens
ILAN sa mga hirit sa bagong mommy na si Angelica Panganiban ng mga kaibigan niya, sinalo raw nito ang lahat ng blessings. Kasi nga naman, natupad na ang matagal na niyang pangarap na maging isang ina. Pero ‘yun pala, hindi lang pagiging ina ang nagkaroon ng katuparan, isang legit na pamilya na dahil ikakasal […]