• June 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

China nagpadala ng 27 barko sa West Philippine Sea

HINDI bababa sa 27 barko ang ipinadala ng China sa West Philippine Sea (WPS) na isang “major maritime militia rotation”, ayon sa isang maritime security expert.

 

 

Ipinadala ang nasa 27 barko ilang araw matapos magkasundo ang Pilipinas at China na bawasan ang tensyon sa rehiyon sa pamamagitan ng diplomasya.

 

 

Napaulat na sinabi ni retired United States Air Force Col. Raymond Po­well na ang kaganapan ay isang rotation ng mga militia ships.

 

 

“I think it’s a rotation so other [Chinese] militia ships who’ve been on station for a while will head home once they’re had a little overlap,” ani Powell sa ulat.

 

 

Nauna rito, nag-convene ang Manila at Beijing sa kanilang ika-8 Bilateral Consultation Mechanism (BCM) meeting sa Shanghai at pumayag na pahupain ang tensyon.

 

 

Ayon sa Chinese fo­reign ministry, nagkasundo ang magkabilang panig “na ang pagpapanatili ng komunikasyon at diyalogo ay mahalaga sa pagpapanatili ng maritime na kapayapaan at katatagan.”

 

 

Kamakailan ay pinuna ng China ang Pilipinas matapos na batiin ni Pa­ngulong Ferdinand Marcos Jr. ang president-elect ng Taiwan na si Lai Ching-te. (Daris Jose)

Other News
  • “Under a Piaya Moon” at “Last Shift”, waging-wagi sa ‘Puregold CinePanalo Film Festival’

    ANG “Under a Piaya Moon” at “Last Shift” ang nagwagi sa inaasam-asam na Pinakapanalong Pelikula sa full-length and short film category sa inaugural na Gabi ng Parangal ng Puregold CinePanalo Film Festival.  Ginanap noong Marso 16 sa Gateway Cineplex 18, ito ay isang emosyonal na gabi bilang parehong established names pati na rin ang mga […]

  • Meeting ni Sy sa PBA officials, mahiwaga

    Tikom ang bibig ni Blackwater team owner Dioceldo Sy sa detalye ng kanilang meeting ni Philippine Basketball Association (PBA)  commissioner Willie Marcial.   Tanging sinabi lang ni Sy ay “satisfied” ito matapos humingi ng paumanhin sa kanyang nasabi noong isang Linggo matapos silang  (Blackwater Elite) patawan ng parusa at multa ng PBA dahil sa pag-eensayo. […]

  • Tour of Luzon magbabalik

    ILANG taon nawala ang mga cycling events sa bansa. Inilunsad kahapon ang eight-stage, 1,050-kilometer Tour of Luzon 2025: The Great Revival kasama ang mga top sports officials sa Meralco Lighthouse sa Pasig City. Ibabalik ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) at ng DuckWorld PH ang legendary race na unang pumadyak noong 1955 at nagtapos noong […]