Chinese Embassy pumalag: Chinese ‘espionage’ ops, ‘baseless speculation and accusation’
- Published on January 27, 2025
- by Peoples Balita
PINALAGAN ng Chinese Embassy ang di umano’y espionage operation sa Pilipinas ng sinasabing Chinese spy.
“The so-called ‘espionage’ operation of a Chinese citizen in the Philippines is baseless speculation and accusation,” ang sinabi ng tagapagsalita ng Chinese Embassy na naka-post sa kanilang website.
“The Chinese Embassy in the Philippines has expressed concerns to the Philippine side and requested for consular visit to the said Chinese citizen so as to provide consular assistance,” dagdag na pahayag nito.
Nauna rito, kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) na isang Chinese national ang naaresto kamakailan dahil sa pag-eespiya.
Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, bukod sa isang Chinese ay dalawa ring Pinoy ang naaresto sa operasyon na ikinasa sa Makati City noong Biyernes ng gabi, January 17.
Ipiniresenta ang mga salarin at ang mga kagamitan na nakuha mula sa kanila sa tanggapan ng Department of Justice (DOJ).
Kinilala ang mga suspek na sina Deng YuanQing at ang dalawang Pinoy na sina Ronel Jojo Balundo Besa, Jayson Amado Fernandez.
Napag-alaman na may kakayanan ang mga nakuhang kagamitan sa pagmamanman sa mga lugar na military camp bases, power plants, tanggapan ng mga local government unit at maging mga shopping mall.
Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa kung sino pa ang mga kasabwat at kung ano ang kanilang motibo.
Nahaharap ngayon ang tatlo sa kasong Espionage at Cybercrime Prevention Act of 2012.
“We urge the Philippine side to base its judgment on facts, not to make presumption of guilt, stop airing groundless speculations about the so-called ‘Chinese spy case’, handle relevant cases in accordance with the law, earnestly fulfill the obligations of the bilateral consular treaty and protect the legitimate rights and interests of Chinese citizens in the Philippines,” ang sinabi naman ng Chinese Embassy. (Daris Jose)
-
Gastos ni ex-PRRD para makadalo sa EJK probe handang sagutin ng House Quad Comm leaders
PAYAG ang mga lider ng Quad Committee ng Kamara de Representantes na sagutin ang gastos sa pamasahe at akomodasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte dumalo lamang ito sa pagdinig kaugnay ng mga kaso ng extrajudicial killing sa kanyang war on drugs campaign. Handa umanong magpatak-patak sina Quad Comm overall chair Robert Ace Barbers, […]
-
Del Carmen tigasin sa WNBL Draft Combine
PINANGUNAHAN ng 82nd University Athletic Association of the Philippines (UAAP) 2019 Finals Most Valuable Player na si Monique Allison del Carmen ang 54 pang ikalawang grupo ng mga aspirante na nagladlad ng kanilang talento sa ikalawa’t pinaleng ng araw ng 1st Women’s National Basketball League (WNBL) Draft Combine 2020 nitong Linggo, Disyembre 13 sa Victoria Sports […]
-
Pabirong sinisi sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy: ALEX, hindi na pine-pressure ang sarili na mabuntis
“HINDI ko na pini-pressure ngayon. Dati kasi prinessure ko, pero ang ate (Toni Gonzaga) ko ang nabuntis!” pahayag ni Alex Gonzaga sa presscon ng ini-endorse na Chef Ayb’s Paragis Tea kasama sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy. Suportado naman siya ni Mommy Pinty… “Dati ayaw pa niyang ipatanggap sa akin ang mga concert sa […]