• May 16, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

CHINESE NATIONAL, BINARIL SA LOOB NG ELEVATOR, PATAY

NAGSASAGAWA ngayon ng manhunt operation ang Manila Police District (MPD) sa suspek na bumaril at pumatay sa isang 50-anyos na negosyanteng Chinese national sa loob ng elevator ng isang gusali sa Binondo, Manila kamakalawa ng hapon

 

 

Namatay noon din  ang biktima na si Wen Dun Chen, 50,  negosyante at nakatira sa Mandarin Square, 777 Ongpin St., Binondo, Maynila

 

 

Sa ulat ng MPD, dakong ala- 1:45 ng hapon ng naganap ang pamamaril sa Sunjoy building 525 Lvazares St., Binondo, Maynila.

 

 

Ayon naman sa testigong si Freddie Boy Yacob, elevator operator, inilarawan ang suspek na  nakasuot ng itim na t-shirt, maong pants at may taas na 5’6 hanggang  5’7 , katamtaman ang pangangatawan..

 

 

Sa inisyal na imbestigasyon ng MPD, sinabi ni Yacob na nasa ikalawang palapag na sila ng gusali ng biktima nang paputokan ang suspek sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan na nagresulta ng kanyang agarang kamatayan.

 

 

Matapos ang pamamaril, mabilis aniyang tumakas ang suspek

 

 

Patuloy ang isinasagawang  imbestigasyon ng MPD homicide section sa insidente. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Panay ang pagla-like sa pino-post ng boyfriend: KIM, very supportive sa mga projects ni XIAN

    NGAYONG napapanood na ang “Hearts On Ice” ng GMA Network at first team-up nina Ashley Ortega at Xian Lim, labis ang pasasalamat ng mga fans ng aktor sa girlfriend ng kanilang idolo, si Kim Chiu.       “Thank you Kim for liking Xian’s post… you’re truly a very supportive girlfriend to Xi… We love you […]

  • OPS, nakiisa sa tree planting sa Ipo Watershed sa Bulacan

    NAKIISA at nagpartisipa ang mga tauhan ng Office of the Press Secretary (OPS) sa  taunang tree-planting program na inorganisa ng  water concessionaire na Maynilad Water Services Inc. (Maynilad).     Sa  Facebook post, ibinahagi ng OPS ang ilang larawan na kuha sa tree-planting activity noong Oktubre  28 sa Ipo Watershed sa Norzagaray, Bulacan.     […]

  • Mabibilang sa mga daliri ang na-stranded: Transport strike ng Manibela at Piston, nilangaw?

    NILANGAW ang transport strike na ginawa at pinangunahan ng transport group na Manibela at Piston.     Sinimulan kasi ngayong araw ng Lunes, Setyembre 23 ang transport strike na ikinasa ng grupong MANIBELA at PISTON. Tatagal ang transport strike, araw ng Martes, Setyembre 24.   Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Transportation Secretary Jaime […]