Chinese national, ka-live-in timbog sa higit P15 milyon shabu sa Navotas drug bust
- Published on December 17, 2024
- by @peoplesbalita
UMABOT sa mahigit P15 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa isang Chinese national at live-in partner nito matapos malambat ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Navotas City, Lunes ng umaga.
Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang naarestong mga suspek na sina alyas “William”, 40, Chinese national at kanyang live-in partner na si alyas “Rose”, 28, kapwa residente ng Brgy.
Manganvaka, Subic Zambales.
Ayon kay Col. Cortes, bago ang pagkakaaresto sa mga suspek ay nakatanggap na ng impormasyon ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) mula sa Regular Confidential Informant (RCI) hinggil sa umano’y pagbebenta ng illegal na droga ng mag-live-in partner kaya isinailim nila ang mga ito sa validation.
Nang positibo ang ulat, ikinasa ni SDEU chief P/Capt. Luis Rufo Jr at P/Capt. Gregorio Cueto ang buy bust operation, katuwang ang CID-IG sa pangunguna ni P/Capt. Felcerfi Simon kontra sa mga suspek na pumayag umanong sa Navotas gaganapin ang kanilang transaksyon.
Nang tanggapin umano ni alyas William ang marked money mula sa pulis na nagsilbi bilang poseur-buyer kapalit ng isang zip-lock plastic bag ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba, kasama ang kanyang live-in partner dakong alas-6:16 ng umaga sa Road 10, Brgy. NBBN.
Ani Capt. Rufo, nakumpiska sa mga suspek ang 2,226.6 grams ng hinihinalang shabu na may corresponding standard drug price na P15,140,880.00, buy bust money na tatlong dusted genuine P1,000 bill at 117 pirasong P1,000 boodle money, cellphone, digital weighing scale at gamit nilang sasakyan na isang itima na Honda Jazz.
Pinuri naman ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco si Col. Cortes at ang SDEU team sa pangunguna ni Capt. Rufo sa kanilang matagumpay na operation kontra illegal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na kapwa mahaarap sa kasong RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Richard Mesa)
-
Libreng bakuna laban sa Covid-19 na ibibigay ng LGUs, welcome sa Malakanyang
WELCOME sa Malakanyang ang ikinakasa ng pamahalaang lokal ng Maynila, Makati, Pasig, Valenzuela, Navotas at Paranaque na pagbibigay ng libreng bakuna laban sa COVID-19. Para kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nangangahulugan lamang na maraming budget para bumili ng vaccine. “Well, unang-una .. lahat po ng transaksyon sa mga manufacturer will be government to […]
-
Pagpapalaya sa 3 suspek sa Dacera rape-slay case bahagi ng due process – PNP
Bahagi ng due process ang pagpapalaya sa tatlong suspeks sa Dacera rape-slay case. Ito ang binigyang-diin ni PNP Spokesperson BGen. Ildbirandi Usana . Gayunpaman, siniguro ni Usana magpapatuloy ang imbestigasyon ng PNP CIDG sa kaso ni Christine Dacera sa kabila ng naging resolusyon ng Makati court na palayain ang mga suspeks dahil sa […]
-
Ads August 19, 2023