Chinese National na nanampal sa traffic enforcer , kulong ng BI
- Published on February 20, 2020
- by @peoplesbalita
INARESTO ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Chinese national na nag-viral sa social media matapos na sampalin nito ang isang miyembro ng Manila traffic enforcer na umaresto dahil sa traffic violation.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, si Zhou Zhiyi, 50 ay kasalukuyang nakakulong sa Bicutan, Taguig City matapos siyang arestuhin ng mga ahente ng BI sa loob ng Manila police district (MPD) headquarters sa UN Avenue, Manila.
Dagdag pa ni Morente na ipinag-utos nito ang pag-aresto sa suspek dahil sa paglabag nito sa Philippine Immigration Act matapos niyang nalaman na nag-piyansa ang suspek.
“I immediately dispatched a team of operatives from our Intelligence Division to effect his immediate arrest so he could also be charged for violating our immigration laws,” ayon sa BI chief.
Ayon naman kay BI acting intelligence chief Fortunato Manahan Jr., na si Zhou ay kakasuhan dahil sa pagiging overstaying at undesirable alien nito.
Dumating ang suspek sa bansa noong November 11 nang nakaraang taon bilang turista sa loob lamang ng 30 araw o isang buwan.
“Thus, he was already an overstaying alien at the time the spatting incident occurred last Feb. 6,” ayon kay Manahan.
Matatandaan na pinigil ang sasakyan ni Zhou dahil sa number coding scheme pero pinaharurot pa rin nito ang kanyang sasakyan hanggang sa naabutan siya ng traffic emforcers kung saan nang sitahin ay sinampal niy ang huli na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto. Nakunan din ito ng sachet ng shabu at drug paraphernalia. (Gene Adsuara)
-
Holmqvist apelyido ng ina gagamitin sa jersey
MAGPAPALIT ng surname si incoming Philippine Basketball Association (PBA) rookie Ken Holmqvist ng Barangay Ginebra San Miguel na ikakabit sa playing uniform niya sa mga game sa professional cage league. Pinabatid na niya ang hakbang kay PBA Commissioner Wilfrido ‘Willie’ Marcial, ayon kay BGSM coach Earl Timothy ‘Tim’ Cone nitong isang araw lang. […]
-
Ads July 22, 2020
-
Mga permanente, disaster-ready evacuation centers para sa mga pamilya na nasa high-risk areas, kailangan
SA PAGTINDI ng mga bagyong tumatama sa bansa, kailangan ng mga permanente, disaster-ready evacuation centers para sa mga pamilya na nasa high-risk areas. Dala na rin sa pagdating ng mga matitinding bagyo sa bansa, naniniwala si Camsur Rep. LRay Villafuerte na panahon na upang maglagay o magtayo ang gobyerno ng mga mega evacuation centers (ECs) […]