• September 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

CHINESE NATIONAL NA WANTED SA PYRAMID SCAM, DINAMPOT SA LAGUNA

NAARESTO ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang isang babaeng Chinese na wanted ng  awtoridad sa kanilang bansa dahil sa pagkakasangkot ng large-scale pyramid investment scam.

 

 

Kinilala ni  Immigration Commissioner Norman Tansingco ang wanted na si Liu Jing, 44, na inaresto sa loob ng kanyang bahay sa isang subdivision sa Biñan, Laguna ng mga operatiba ng BI’s fugitive search unit (FSU).

 

 

Si Liu ay inaresto ng operatiba ng   BI-FSU sab isa ng mission order mula kay Tansingco sa kahilingan ng Chinese authorities.

 

 

Ayon kay Tansingco, kinansela ng gobyerno ng Chinese ang pasaporte ni Liu na maituturing nang isang undocumented alien at maaari na itong ipa-deport.

 

 

Over-staying na rin si Liu kung saan dumating sa bansa noong  Dec. 31, 2019 bilang turista at hindi na umalis pa simula noon.

 

 

“She will thus be deported for being an undesirable, overstaying and undocumented alien,” ayon kay Tansingco.

 

 

Ayon kay BI-FSU acting chief Rendel Ryan Sy, si  Liu ay may nakabinbin na arrest warrant ng public security bureau sa Yongjian district ng  Handan City sa Hubei province, China noong May 12, 2021.

 

 

Siya ay inakusahan na bumuo at nag-operate ng pyramid investment schemes sa pamamagitan ng foreign currency exchange platform na nakapanloko ng  mahigit 300,000 na mga Chinese na umabot sa  mahigit US$2.5 million.

 

 

Si  Liu ay kasalukuyang nakadetine sa BI warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang hinihintay ang kanyang deportation proceedings. GENE ADSUARA

Other News
  • Alicia Silverstone Shares TikTok About How She Was Body-Shamed As Batgirl

    CLUELESS star Alicia Silverstone reflects in a TikTok video on how she was body-shamed when she played Batgirl in the 1997 film Batman & Robin.     Silverstone was just 19 years old during the filming of the Joel Schumacher superhero film. She was also coming hot off the set of her big break in the 1995 […]

  • Ads February 9, 2021

  • Floating barrier ng Chinese Coast Guard sa Baj de Masinloc tinanggal na ng Philippine Coast Guard

    TINANGGAL na ang Philippine Coast Guard ang floating barriers na inilagay ng mga Chinese Coast Guard sa southeast portion ng Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal.     Sinabi ni PCG Commodore Jay Tarriela na ang kanilang ginawa ay naaayon sa international law ganun din ang soberanya ng Pilipinas sa shoal.     Ipinag-utos mismo […]