Chinese Research Vessel namataan sa Batanes
- Published on April 16, 2025
- by @peoplesbalita
NAMATAAN na naglalayag sa bahagi ng Batanes ang isang Chinese Research Vessel, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) Agad namang ipinag-utos ni PCG Commandant Admiral Ronnie Gavan ang paged-deploy ng PCG Islander 4177 para imonitor at radyuhan ang Chinese vessel na Zhong Shan Da Xue. Alas-8:00 Martes ng umaga nang mamataan ng PCG ang Chinese vessel sa layong 78.21 nautical miles northeast ng Itbayat, Batanes. Ayon kay PCG Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, ilang beses na nag-radio challenge ang PCG Islander sa barko ng China pero hindi sumagot ang mga ito. Iginiit ng PCG na walang karapatang magsagawa ng marine scientific research ang Chinese vessel sa loob ng ating Exclusive Economic Zone. Ayon pa sa PCG, malinaw na paglabag ito sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at Philippine Maritime Zones Act. (Gene Adsuara)
https://dzar1026.ph/wp-content/uploads/2024/05/namataan-sa-eez.jpg
-
Wembanyama binuhat ang Spurs
NAGKUWINTAS si Victor Wembanyama ng 34 points at 14 rebounds habang tumipa si Chris Paul ng 12 points at 11 rebounds para akayin ang Spurs sa 116-96 paggiba sa Sacramento Kings. Tinapos ng San Antonio (5-6) ang kanilang apat na sunod na kabiguan sa Sacramento (6-5). Nagdagdag si Harrison Barnes ng 10 […]
-
Pope Francis idinaing ang pananakit ng tuhod kaya hindi nakasalamuha ang mga tao
NAKARANAS ng pananakit sa tuhod si Pope Francis kaya hindi niya personal na nakasalamuha ang mga tao sa Vatican. Sinabi ng 85-anyos na Santo Papa na sumakit bigla ang kanyang kanang tuhod. Biro pa nito na temporaryo lamang ito at normal itong sakit ng mga may edad na. Kada […]
-
Happy na part ng pagiging Senador ni Robin: VINA, inalok din na mag-konsehal pero ’di sineryoso
PAHINGA raw muna ang puso ngayon ni Vina Morales. Ayon sa actress/singer, “Relaxed lang, steady lang naman yung aking puso. I’m okay, I’m okay, I’m happy with whatever… kung ano’ng nasa position ko ngayon.” Banggit pa namin kay Vina, kapansin-pansin na wala na siyang post tungkol sa kanila ng foreigner na si Andrew […]