Chiz: Impeachment trial lalarga sa Hulyo 30
- Published on March 1, 2025
- by Peoples Balita
INILATAG na ng Senado ang timetable ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte at posibleng simulan ang paglilitis sa Hulyo 30, 2025.
Mismong si Senate President Francis “Chiz” Escudero ang inisyal na naglabas ng timetable at mga gagawin sa impeachment trial.
Isang liham na may petsang Pebrero 24 ang ipinadala ni Escudero sa kanyang mga kasamahan, kay Duterte, at Speaker Ferdinand Martin Romualdez kung saan iminungkahi ang kalendaryo para sa impeachment trial.
Sa Hunyo 2, sa pagbubukas ng sesyon sa alas-3 ng hapon ipiprisinta ang Articles of Impeachment ng mga prosecutors kung kailan aaprubahan din ang revised Rules of Procedure ng Impeachment Trial.
Itinakda naman sa Hunyo 3 ang pagpupulong ng Impeachment Court at panunumpa ng mga nanunungkulang senator-judges.
Gagawin sa Hunyo 4 ang pagpapalabas ng mga “summons” at sa Hunyo 14 hanggang 24 ang pagtanggap ng mga pleadings.
Ang pre-trial ay gagawin sa Hunyo 24 hanggang sa Hulyo 25.
Sa Hulyo 28 magsisimula ang 20th Congress at Joint Session ng Kongreso kung kailan gaganapin din ang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa Hulyo 29 nakatakdang manumpa ang mga bagong elected senator-judges sa Senado na bubuuin din bilang impeachment court.
Inaasahan namang pormal na magsisimula ang impeachment trial sa Hulyo 30.
Nilinaw ni Escudero na ang nasabing panukalang kalendaryo ng impeachment trial ay pag-uusapan pa at pagde-desisyunan ng Senado sa pagbabalik ng sesyon sa Hunyo 2.
Bukod sa panukalang “calendar for procedures,” kasama rin sa liham ni Escudero sa kanyang mga kasamahan ang Special Order na nagtatakda ng pagtatalaga ng iba’t ibang tanggapan ng Senado bilang administrative support sa impeachment court.
-
Taika Waititi Talks About Giving Natalie Portman’s Jane Foster A More Powerful Role
Thor: Love And Thunder director Taika Waititi explains why he’s bringing Jane Foster back for the latest Marvel Cinematic Universe film. Natalie Portman joined the MCU as Jane in the franchise’s early days in 2011’s Thor. Jane’s background as an astrophysicist makes her a helpful ally for Chris Hemsworth’s God of Thunder considering his mythical background isn’t […]
-
29k Mga Pinoy, nabakunahan na laban sa Covid-19
TINATAYANG mahigit na sa 29,000 Filipino ang nabakunahan laban sa COVID-19 simula nang sumipa ang inoculation program ng pamahalaan noong Marso 1. Tinukoy ang Department of Health data, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na may 29,266 indibidwal na ang nakatanggap ng first dose ng bakuna “as of March 7.” Nakapagpadala na ang […]
-
China kinampihan ang Russia sa panawagan na ‘wag na dapat sumali ang Ukraine sa NATO
NAKAKUHA ng kakampi ang Russia sa paghihikayat nilang dapat ay huwag ng sumali pa ang Ukraine sa US-led NATO military alliance. Sa pakikipagpulong ni Russian President Vladimir Putin kay Chinese President Xi Jinping sa Beijing ay naniniwala na ginagawang pangingialam ng US ay siyang nakakasira ng seguridad sa mga bansa. Kapwa […]