Chiz sa LTO: Tukuyin may-ari ng SUV na may plate number 7
- Published on November 6, 2024
- by @peoplesbalita
PINALALANTAD ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang may-ari at driver ng sports utility vehicle na may plate number 7 na pumasok sa exclusive bus lane at tinangka pang managasa ng isang babaeng traffic enforcer. Kinalampag din ni Escudero ang Land Transportation Office (LTO) para matukoy ang may-ari at gumagamit ng sasakyan.
“I urge the LTO to identify the owner-user of the vehicle and to inform the Senate as soon as possible,” ani Escudero.
Ang plakang number 7 ay ibinibigay sa mga senador. Wala pang senador ang umaamin na sa kanila ang puting SUV na Sequoia.
Sinabi ni Escudero na kung totoong miyembro ng Senado ang may-ari ng sasakyan, dapat utusan nito ang driver ng SUV na sumuko at humarap sa mga awtoridad.
Ipinaliwanag pa ni Escudero na sa kanyang pagkakaalam, bukod sa mga bus, ang tanging pinapayagan lamang na dumaan sa bus lane ay ang mga sasakyang may plakang “1” na ibinibigay sa Presidente ng bansa, plate number “2” para sa Bise Presidente, “3” sa Senate President at “4” sa House Speaker at “5” sa Chief Justice ng Supreme Court.
Inaalam pa ng LTO kung peke o hindi ang plakang number “7” na nakakabit sa SUV.
Binanggit din ni Escudero na ang protocol plate ng mga sasakyan ay ibinibigay sa “specific” na korte at hindi naman nakalagay sa memorandum circular kung sino ang dapat sakay nito.
Kalimitan din aniya ay ang mga senador ang nagre-request ng protocol plates ng sasakyan. (Daris Jose)
-
PDU30, walang alam na ang mga sinibak na immigration personnel na sangkot sa “pastillas scheme” ay hindi naalis sa puwesto kundi nananatili pa sa kanilang duty
WALANG alam si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang mga Immigration personnel na sinibak nito sa puwesto dahil sa korapsyon ay nananatili pa rin sa government service. Sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang State of the Nation Address (SONA) araw ng Lunes, na sinibak niya ang 43 Immigration personnel na sangkot sa tinatawag na […]
-
1.2-B HALAGA NG IBA’T IBANG URI NG DROGA WINASAK NG PDEA
WINASAK ng Philippine Drug Enforcement Agency ang may halos isang tonelada ng iba’t ibang uri ng droga at mga kemikal na gamit sa paggawa ng mga ito na kanilang nasamsam sa iba’t ibang operasyon. Umaabot sa halagang P1,295,050,354.65 ang mga winasak na droga sa pamamagitan ng thermal composition o pagsunog sa isang makina sa may […]
-
Diaz magdo-donate ng P1 milyong weightlifting equipment
Ayon kay Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP) president Monico Puentevella, magdo-donate si Diaz ng mga weightlifting equipment sa SWP at Philippine Sports Commission. Nagkakahalaga ito ng P1 milyon. Nais ni Diaz na makatulong upang makatuklas pa ng mga bagong talento na susunod sa kanyang yapak sa mga darating na henerasyon, […]