• September 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

CHR, pinanindigan ang kahalagahan ng due process at rule of law

BINIGYANG-DIIN ng Commission on Human Rights (CHR) na kailangang manatiling pinakamahalaga sa lahat ang “due process at rule of law” upang matiyak ang pananagutan mula sa national police.

 

 

Ito’y matapos na sabihin ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na barilin ang lahat ng mga pulis na mapapatunayang sangkot sa ilegal na droga.

 

 

“The State has the duty to uphold the supreme right to life without exception,” ayon sa kalatas ng CHR.

 

 

“Resortimg to killing only serves to perpetuate the culture of vigilantism and violence, which can further result in the breakdown of the rule of law,” ang nakasaad pa rin sa kalatas.

 

 

Habang nagpahayag naman ng kanyang suporta ang human rights commission para sa reform programs sa loob ng Philippine National Police (PNP), hinikayat naman nito na ang “necessitate lawful methods to maintain the  state’s integrity, credibility, and moral ascendancy.”

 

 

“This includes ensuring genuine and full accountability by filling cases in court against suspected erring police officers and through the imposition of criminal-legal sanctions to those who are proven guilty,” ayon sa CHR.

 

 

“As part of the PNP’s sworn obligation, this will also help demonstrate the institution’s commitment to human rights and rule of law and in alignment with it’s philosophy  of “Servic, Honor, and Justice,” dagdag pa ng CHR.

 

 

Samantala, handa si Mr. Duterte na pangalanan ang sangkot na mga heneral  sa ilegal na droga.

 

 

Sa programang “Gikan sa Masa, Para sa Masa”, ipinakita ng dating Pangulo ang kaniyang pagkadismaya at isiniwalat na marami nang tiwali na nakapasok sa pulisya kabilang na ang mga matataas na opisyal nito.

 

 

Ani Duterte, handa niyang pangalanan ang mga heneral at iba pang matataas na ranggo na pinaniniwalaan niyang sangkot sa korapsiyon at droga.

 

 

Naniniwala si dating Pangulong Duterte na mismong mga pulis ay sangkot na sa droga kaya hanggang ngayon ay wala silang maiturong suspek sa nakumpiskang 990 kilo ng shabu noong Oktubre 2022.

 

 

Binigyang-diin naman muli ni Duterte na ang tanging solusyon dito ay mag-resign na ang mga pulis na sangkot sa nasabing cover-up.

 

 

Aniya, kung siya lang ay hahayaan na muna niya ang militar ang mamahala at magpanatili ng kaayusan sa bansa dahil mas may kumpiyansa siya ngayon sa mga sundalo. (Daris Jose)

Other News
  • 50K pupil sa Grade 1-3 sa NCR, hirap magbasa- DepEd

    AABOT sa 50,000 estudyante mula Grade 1 hanggang 3 sa National Capital Region (NCR ) ang hirap makabasa, base sa isang assessment na isinagawa ng Department of Education sa rehiyon.     Base sa survey na iprinisinta kahapon ng DepEd-NCR, sa higit 384,000 learners mula Grade 1 hanggang 3 na dumaan sa comprehensive rapid literacy […]

  • DepEd nilinaw na hindi pa epektibo ang bagong panuntunan kaugnay sa pagsuspinde ng klase

    NILINAW ng Department of Education (DepEd) na hindi pa epektibo ang panibagong panuntunan na inilabas kaugnay sa pagsuspinde ng klase sa oras ng kalamidad at sakuna.     Ginawa ng kagawaran ang paglilinaw matapos nilang isapubliko ang DepEd Order 37 na pirmado ni Vice President at Education secretary Sara Duterte-Carpio.     Ayon pa sa […]

  • Kaya hindi mapapanood sa Vivamax: KELLEY, balik-showbiz pero ‘di maghuhubad sa pelikula

    TWO years na nawala, nagbabalik-showbiz ang beauty queen-actress na si Kelley Day.     Mula sa GMA 7 ang humahawak na ng kanyang career ay ang 3:16 Media Network niLen Carrillo.       Paano siyang napunta sa pangangalaga ni Ms Len na may connect sa Viva at Vivamax.     “Wala akong plan to […]