CHRISTIAN, first time na gawin ang bed scene and torrid kissing scene with SEAN dahil kay Direk JOEL
- Published on August 26, 2021
- by @peoplesbalita
SINA Diego Loyzaga at Christian Bables ay mga Bekis on the Run, sa pinaka-aabangan na comedy-drama movie ng award-winning direktor na si Joel Lamangan, exclusive sa VIVAMAX ngayong September 17.
Sinubukan ni Andres (Diego) at ng kanyang bading na kapatid na si Donald (Christian) na nakawan ang isang construction site, ngunit wala sa plano nila ang mga nangyari at napilitan silang tumakbo.
Pero nakuha nila ang simpatya ng mga tao, lalo na ng gay community nang maging viral sa social media ang video ni Nanay Pacing (Lou Veloso), ang dahilan kung bakit sinubukang magnakaw ng magkapatid. Ikinuwento ni Nanay Pacing ang kanyang sakit at ang kagustuhan ng magkapatid na tulungan siyang makakuha ng pera para sa kanyang operasyon.
Bukod sa pagiging comedy-drama film, tatalakayin din ang korupsyon, at mga hindi napag-uusapang tema katulad ng mga gay men sa military.
Kasama sa pelikula si Kylie Verzosa bilang si Adriana, ang partner ni Andres; at si Sean De Guzman bilang Martin, ang ex-boyfriend ni Donald. Nakatrabaho na ni Sean si direk Joel Lamangan sa Anak ng Macho Dancer, kaya naman sanay na siya gumawa ng mga sexy scenes on screen. Ngunit si direk Joel Lamangan lang ang nakapag-kumbinsi kay Christian, na marami na ring ginampanan na gay roles sa pelikula, na gawin ang bed scene at torrid kissing scene nila ni Sean.
Kaya say ni Christian sa Zoom mediacon, “First time kong gumawa ng mga ganitong klaseng eksena. Nabasa ko kasi ‘yung script at ‘yung ibang hiningi ni direk (Joel) ay wala sa script pero once na nakapasok ka na sa shoes ng character at kung saan man dalhin ng direktor ‘yung shift kumbaga sakyan mo ‘yun, eh.
“So, somehow magiging ready ka. So, as an actor medyo may gulat factor sa ipinagawa ni direk pero sige lang dahil alam kong sa maganda niya kami dadalhin.”
“I think hindi ko rin siya ibibigay kung hindi si direk Joel Lamangan at kung hindi ‘yung mga direktor na pinagkakatiwalaan ko at isa si direk Joel doon,” dagdag pa ng premyadong aktor.
Ayon pa kay Christian inaral talaga niya ng husto
Anyway, mukhang destiny talaga ni Christian na si Sean ang maging first torrid kissing scene with a guy.
Siya sana ang bida sa Ang Huling Baklang Birhen sa Balat-Lupa na nag-shooting sa Batangas. Pero pinalitan siya ni Teejay
Nakipaghalikan din Sean kay Teejay sa pelikulang mula rin sa direksyon ni Joel Lamangan para sa Heaven’s Best Entertainment.
Dapat ding abangan rin si Sean sa pelikulang Taya with AJ Raval na mag-i-streaming na sa Agosto 27 sa Vivamax.
Kaya wag nang tumakbo, stay at home at panoorin ang Bekis on the Run sa September 17, exclusively streaming sa VIVAMAX. Maaaring mag-stream ng Vivamax sa web.vivamax.net. Mag-
Meron pang hot price na P29 lamang at may 3-day access na sa Vivamax. Pwede mo na rin i-cast ang mga shows sa inyong Smart TV sa pamamagitan ng Google Chromecast or Apple TV.
Pwede kang magbayad gamit ang GCash, Globe, Smart, Visa/Mastercard, PayMaya o PayPal account na naka-link sa iyong Google or Apple account. Maaari ding mag-subscribe sa www.vivamax.net, pumili ng plan, at magbayad sa EC Pay outlets: 7 Eleven at All Day o via PayMongo, GrabPay at GCash o via PayMaya. Para makapagbayad mula sa E-commerce, maaaring pumili sa Lazada, Shopee, GCash, ComWorks Clickstore, Paymaya o Globe One. Para makapagbayad mula sa authorized outlets, maaaring pumili sa Load Manna, ComWorks, at Load Central partner outlets: Cebuana Lhuillier at Palawan Express. Pwede ring tumawag sa inyong Cable Operators para mag-subscribe: Sky Cable, Cable Link, KCAT Fiber, Air Cable, Aklan Cable Television Co., Inc. Cebu Cable HD, Cotabato Cable Television Network Corp., Concepcion Pay TV Network Inc., BCTVI, Paradise Cable Television Nework, Inc., Wesfardell Connect, Z-energy Cable TV Network Inc.
Mapapanood rin ang Vivamax sa Middle East! Sa ating mga kababayan sa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, at Qatar, watch all you can na for only AED35/month. Sa Europe, makakapanood na sa Vivamax sa halagang 8 GBP kada buwan.
Maaari na ring magsubscribe sa Vivamax sa Singapore, Hongkong, Malaysia, at Japan. Ang monthly subscription ay SGD 13.50 (Singapore), HKD 77.00 (Hongkong); RM 39.90(Malaysia); and JPY 1,080.00 (Japan). Maari na rin magamit ang screen cast to TV feature nito upang mas maging komportable ang inyong panunuood sa inyong mga TV screens*.
Vivamax, atin ‘to!
(ROHN ROMULO)
-
DOT, naabot na ang 80% ng kabuuang target na tourist arrivals sa 2023
NAABOT na ng Kagawaran ng Turismo ang kabuuang 80% ng target nitong 4.8million na turistang papasok sa Pilipinas para sa kabuuan ng taong 2023. Ito ay matapos maitala ang hanggang 3.8 million na tourist arrivals sa bansa, mula Enero hanggang Setyembre-19, 2023. Ayon kay Secretary Christina Frasco, ang halos 4 […]
-
‘The Black Phone’ Director Shares 5 Horror Movie Recommendations for Halloween
The Black Phone director Scott Derrickson has shared five horror picks he recommends people check out in the lead-up to Halloween. Derrickson, who helmed the blockbuster films The Day the Earth Stood Still in 2008 and Doctor Strange in 2016, has a long history in the horror genre, going all the way back to his debut feature, the 2000 sequel Hellraiser: […]
-
DOTr: 143 social tourist port ang nakumpleto
May 143 na social at tourism port projects ang natapos ng gawin ng Department of Transportation (DOTr) na magbibigay ng benipisyo sa mga coastal communities, mangingisda at turista sa buong bansa. Ang nasabing proyekto ay isa sa mga highlights ng administasyong Duterte na naglalayon na magbibigay ng equitable growth at development sa bansa […]