• April 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

CHRISTIAN, umaming muntik nang iwan ang showbiz at magsimula sa Amerika; nabago ang plano dahil sa ‘Big Night’

MUNTIK na palang iwan ni Christian Bables ang showbiz para magsimula ng buhay sa Amerika dahil sa pandemya.

 

 

Nagkaroon ng anxieties ang aktor at pakiramdam niya ay wala na siyang panghahawakan na career noong matigil ang showbiz industry dahil sa mahabang lockdown.

 

 

Pero nabago raw ang lahat nang maging official entry sa Metro Manila Film Festival 2021 ang Big Night at nanalo pa siyang Best Actor sa Gabi ng Parangal.

 

 

Post ng aktor sa IG: “I was planning to move to the US. Create a new life or maybe pursue my passion in acting. Dala siguro ng anxieties dahil aa pandemya. But God moves in mysterious ways. The day I was deciding to book a one-way flight to the US, nagmessage si Direk Perci pasok daw ang Big Night sa MMFF.

 

 

Ipagpaliban ko daw muna ang pagalis ko, na ang akala ng lahat ng pinagpaalamanan ko ay bakasyon lang. Hindi ko alam kung anong plan ni God pero isa lang ang naging klaro sa akin. Gusto kong patuloy na makapaghatid ng mensaheng makabuluhan through my art. Dito sana sa bansa natin, para sa bansa natin. Kung patuloy mabibigyan ng pagkakataon.”

 

 

Umaasa si Christian na madagdagan ang kita ng pelikulang Big Night dahil sa mga awards na napanalunan nito sa MMFF Awards Night na Best Picture, Best Director, Best Screenplay, Best Cinematography, Best Musical Score, and the Gender Sensitivity award.

 

 

Noong 2016, humakot ng acting awards si Christian for best supporting actor para sa pelikulang Die Beautiful.

 

 

***

 

 

ISA sa wish ni Super Tekla sa pagpasok ng Bagong Taon ay ang makasama niya ang kanyang bunsong anak na si Angelo.

 

 

Noong maghiwalay si Tekla at ang girlfriend nitong si Michelle Banaag, pinasama nito ang anak nilang si Angelo dahil mas kailangan daw nito ang kanyang ina.

 

 

Pinabulaanan naman ng host ng The Boobay And Tekla Show na hindi sila nagkabalikan ng kanyang ex-girlfriend. Nagkikita lang daw sila ni Michelle dahil sa anak nila.

 

 

“Hindi kami nagbalikan. Nagkikita kami dahil siyempre ‘yung anak ko sa kanya. Parati ko naman sinasabi  kay Michelle na ingatan niya si Angelo. Kapag ‘yan pinabayaan mo, wala na, hindi na kita mapapatawad talaga,” diin ni Tekla.

 

 

Tinanong si Tekla kung sakaling si Michelle ang lumapit sa kanya at humiling na magkabalikan sila?

 

 

Sagot ni Tekla ay mas nakabubuti raw na hiwalay sila para walang gulo. Importante raw ay ang maalagaan si Angelo ng kanyang ina.

 

 

***

 

 

NA-GRANT na ang divorce ng Hollywood action star Arnold Schwarzenegger sa kanyang estranged wife na si Maria Shriver pagkatapos ng sampung taon.

 

 

Isang private judge ang pumirma sa official divorce papers ng dalawa at na-finalized ito sa L.A. Superior Court system last Tuesday (December 28).

 

 

Ang nagpatagal daw sa divorce proceedings nina Arnold at Maria ay ang complicated property settlement na nagkakahalaga ng $400 millon na paghahatian ng dalawa. Wala pala silang prenup agreement.

 

 

Kinasal noong 1986 sina Arnold at Maria na ang ina ay isang Kennedy. Nag-file ng divorce si Maria noong 2011 pagkatapos na lumantad sa publiko ang love child ni Arnold na si Joseph Baena. 

 

 

Ang ina ni Joseph ay ang longtime housekeeper nila Arnold ar Maria na si Mildred Patricia Baena.

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • BEA, ipinagtanggol ni JANUS sa patuloy na pamba-bash tungkol sa ‘loyalty’

    IPINAGTANGGOL ni Janus del Prado ang kanyang kaibigan na si Bea Alonzo na patuloy na bina-bash dahil sa ‘loyalty’ at sa ginawang paglipat sa Kapuso Network.     Kasama sa IG post ang isang quote na, “Loyalty is a two-way street. If you’re asking it from me, make sure I’m getting it from you.”   […]

  • Dahil sa mahinang internet connection: DIEGO, ‘di nasagot ang isyu tungkol sa pagiging bagong ama

    WALANG nagtagumpay na mapasagot si Diego Loyzaga tungkol sa diumano’y pagkakaroon niya ng anak. Kontrobersyal ang Instagram post ni Diego Loyzaga noong June 8 dahil nag-post siya ng larawan niya na may kalong na baby at ang caption niya sa kanyang IG post ay, “The best birthday gift ever.” Birthday ni Diego, who turned twenty-eight, […]

  • Nagpunta sa Bali para sa bachelorette party: VALEEN, ikakasal na ngayong January sa non-showbiz boyfriend

    INAMIN ni Laurice Guillen na si Jasmine Curtis-Smith ang madalas na maraming takes sa kanilang serye na ‘Asawa Ng Asawa Ko.’       Kuwento ng award-winning director: “Si Jasmine, maraming takes. Marami akong pinapagalitan, actually it’s more of like keeping her on track because she’s playing a role that’s been through a really extraordinary […]