• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Christmas party sa mga paaralan gawing simple – DepEd

HINILING ng Department of Education (DepEd) sa mga pampublikong paaralan na gawing simple pero makabuluhan ang gagawing Christmas party kaugnay ng pagdiriwang ng Kapaskuhan.

 

 

Sa naipalabas na DepEd Order No. 052-2022, na nilagdaan ni Vice President at Education secretary Sara Duterte, nakasaad dito na kailangang magtipid dahil sa kasalukuyang kundisyon ng ekonomiya ng bansa.

 

 

“The whole Department of Education (DepEd) community is urged to strive for a genuine celebration of hope, unity and service for others,” sabi ni  Duterte.

 

 

Nakasaad din sa kautusan na kailangang boluntaryo at hindi magastos ang gagawing Christmas party themes, costumes, decorations, at exchange gifts ng mga estudyante upang hindi masaktan masyado ang bulsa ng mga magulang ng mga mag-aaral.

 

 

Dapat din umanong boluntaryo ang kontribusyon sa pagdiriwang ng Pasko sa mga paaralan at opisina maging cash man ito o in-kind.

 

 

Walang mag-aaral at tauhan ng DepEd ang pipiliting mag-contribute, makiisa o gumastos ng kanilang pera para sa selebrasyon. Dapat din isama sa selebrasyon ang mga mag-aaral at tauhan kahit wala silang maibigay na kontribusyon o dalang regalo.

 

 

Inatasan din ng DepEd ang mga schools at officials na mag-recycle ng lumang Christmas decors at huwag bibili ng bagong dekorasyon. Walang mag-aaral at DepEd personnel ang aatasang gumawa ng dekorasyon para sa Christmas party.

 

 

Niliwanag din sa kautusan na ang Christmas party sa mga paaralan ay maaaring gawin sa class hours bastat hindi nakakaapekto sa scheduled lesson plans.

 

 

Hindi rin pinapayagan ang solicitations kahit cash o in-kind para sa Christmas parties o holiday celebrations.

 

 

Samantala, ang mga private schools, community learning centers gayundin ang mga state/local universities and colleges (SUCs/LUCs) ay maaaring mag-adopt sa naturang kautusan ng DepEd bilang batayan ng kanilang pagdiriwang ng Christmas party. (Daris Jose)

Other News
  • Bilis ng transmission ng Lambda variant, masusing pinag-aaralan

    HANGGANG sa kasalukuyan ay patuloy na pinag-aaralan pa rin ang bilis na makapanghawa ng Lambda variant na nagmula sa bansang Peru at ngayo’y nakapasok na sa Pilipinas.   Ito’y matapos na makapagtala ang Pilipinas ng unang kaso ng COVID-19 Lambda variant, ayon sa Department of Health (DOH).   Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni […]

  • Ads August 8, 2023

  • Fil-Am rider Patrick Coo runner up sa BMX 2023

    SINIMULAN ni Patrick Bren Coo ang kampanya sa asam na magkwalipika sa unang Olympics sa Paris 2024 sa pagwawagi ng medalyang pilak sa Indonesia BMX 2023 Round 1 sa Pulonas International BMX Center sa Jakarta nitong Linggo.   “It was very, very close to the gold, but it’s racing,” sabi ni Filipino-American Coo, na naging […]