CINDY, clueless pa rin kung paano nadawit sa hiwalayan nina KYLIE at ALJUR
- Published on July 31, 2021
- by @peoplesbalita
NAGBABALIK ang tambalan nina Coco Martin at Julia Montes sa FPJ’s Ang Probinsyano.
Si Julia ang magiging bagong leading lady ni Coco sa widely-followed na action series na nasa ikaanim na taon ngayon.
Reunion ito nina Coco at Julia na matagal din naman hindi nagkasama sa isang teleserye.
Magandang prelude ang balik-tambalan nina Coco at Julia sa FPJ’s Ang Probinsyano para sa ginagawa nilang pelikula na dinidirek ng Cannes awardee na si Brillante Mendoza.
Tiyak na matutuwa ang mga Coco-Julia fans na nananabik na mapanood ang dalawa sa isang bagong TV series. Nagkasama rin sila sa series na Walang Hanggan at Ikaw Lamang sa ABS-CBN.
***
CLUELESS pa rin si Cindy Miranda kung paano nadawit ang pangalan niya sa hiwalayan nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica.
Wala naman daw siyang kinalaman sa issue dahil bago pa raw nila gawin ni Aljur ang Nerisa ay may problema na sa relasyon ang dating mag-asawa.
Baka nagkataon lang daw na nasabay sa promo ng Nerisa ang pagsasalita ni Robin Padilla tungkol sa hiwalayan blues nina Kylie at Aljur.
Feeling niya ay nagamit ang hiwalayan na issue sa promo ng launching film kahit na hindi naman dapat. Tanggap naman ni Cindy na ang mga ganitong issue ay pwedeng mapag-usapan in promoting a movie.
Very thanklful si Cindy sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya ng Viva Entertainment na hinog na siya para bigyan ng launching film.
Niyakap naman niya ito wholeheartedly dahil dream niya talaga na mag-artista. Nauna nga lang siyang nabigyan ng break na maging beauty queen.
Kaya naman kahit na marami siyang mahihirap na eksena sa Nerisa ay hindi niya ininda. Alam naman daw niya ang lahat ng ito ay para sa ikagaganda ng pelikula.
Nagpapasamat din siya kay Direk Law Fajardo dahil inalalayan siya sa kanyang mga eksena. Very patient daw si Direk Law sa kanya para mailabas niya ang emosyon na needed sa mga mahihirap na eksena.
Thankful din siya kay Aljur dahil marami raw itong naituro sa kanya, acting-wise, dahil mas beterano naman ito sa kanya.
Isa pang nagustuhan niya kay Aljur ay ang pagiging masayahin nito. Kung may pinagdadaanan man daw ito during the filming of the movie ay hindi naman ito naramdaman ni Cindy.
Very professional naman daw si Aljur sa trabaho at nag-enjoy siya working with him.
Doon naman sa nagsasabing “bastos” ang trailer ng Nerisa, sana raw ay panoorin muna nila ang movie bago ito sabihin na bastos.
Maganda raw ang kwento ng pelikula, na isinulat ng award-winning writer na si Ricky Lee.
Bihira raw dumating ang pagkakataon na ang isang baguhan ay mabibigyan ng launching film na gawa ni Ricky Lee.
Ready for viewing na via streaming sa Vivamax ang Nerisa.
(RICKY CALDERON)
-
Nagpatibay para harapin ang matitinding pagsubok: MICHELLE at kapatid, naging biktima ng racism sa Amerika
“PEOPLE don’t know that me and my sister, we were the only two Asians in Utah, so we were subject to a lot of racism. “We live in a very small paper town in Utah. So they really didn’t understand Asian culture, didn’t understand why do I have values, why do I […]
-
AFP chief, nakipagpulong sa mga Muslim Leaders sa NCR
NAKIPAGPULONG si AFP chief of staff Gen. Gilbert Gapay sa mga NCR-based Muslim Leaders na kinabibilangan ng mga muftis, imams at madrasah officials na ginanap sa Kampo Aguinaldo. Layon ng nasabing dayalogo ay para paigtingin pa ang koordinasyon ng AFP sa mga Muslim religious leaders para labanan ang terorismo sa bansa. Pinangunahan ni NCR […]
-
Pamilya Paalam, todo dasal sa pagsabak ni Carlo para sa gintong medalya sa Tokyo Olympics
Naghahanda na ang pamilya ni Filipino boxer Carlo Paalam na pasok na finals matapos talunin ang kanyang kalaban na si Japanese Ryomie Tanaka sa Men’s Flyweight Division. Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginoong Pio Rio Paalam Sr. na nagdarasal ang kanilang buong pamilya sa laban ng anak na si […]