CIVIC ORGANIZATION NAGBIGAY NG CASH DONATION PARA SA QUEZON CITY LEARNING RECOVERY PROGRAM
- Published on June 3, 2023
- by @peoplesbalita
NAGBIGAY ng donasyong aabot sa 310 thousand pesos ang Rotary International District 3780 sa pamahalaang lokal ng Quezon City para sa proyekto ng lungsod na Learning Recovery Fund.
Personal na iniabot ni District Governor Florian Entiquez kay Quezon City Mayor Joy Belmonte ang nabanggit na halaga ng donasyon bilang pagpapakita ng sinserong komitment nila sa proyekto ng Quezon City LGU.
Sabi ni Belmonte, lubos ang kanilang pasasalamat sa Rotary International District 3780. Dahil aniya, mahalaga ang tulong ng pribadong sektor upang iaddress ang isyu ng Learning Recovery.
Dagdag pa ng alkalde, muli at muli nyang inaanyayahan ang mga NGO at business sector na mag-invest sa mga learners.
Matatandaan na kamakailan ay inaprubahan ng city council ang CITY ORDINANCE SP-3182 na nagtatatag ng Learning Recovery Trust Fund kung saan ilalagak ang mga cash donation para sa learning recovery program.
Dinaluhan ng ilang mga opisyal ng pamahalaang lungsod at ng mga opisyal at dating pangulo ng Rotary International District 3780.
Ang donasyon ng ROTARY INTERNATIONAL DISTRICT 3780 ay ilaan sa mga mag-aaral ng Bago Bantay Elementary School na kalahok sa QC Gabay Aral, isang programang nagsasagawa ng tutoring para sa Math at Reading. (PAUL JOHN REYES)
-
‘No-mask Christmas’ posibleng makamit – Palasyo
Naniniwala ng ilang mga eksperto na kayang makamit ng bansa ang tinatawag ng “no-mask Christmas” kapag malaking bahagi ng populasyon ng bansa ang naturukan na ng bakuna laban sa COVID-19. Sinabi ni OCTA Research member at University of Santo Tomas biological sciences professor Father Nicanor Austriaco, kailangan ng bansa ng 33 milyon doses […]
-
Jesus; John 19:27
Your mother.
-
Hontiveros sa house-to-house search for COVID-19 cases ng PNP: Parang tokhang
Inihalintulad ni Senator Risa Hontiveros ang inisyatibang house-to-house search para sa coronavirus disease 2019 o COVID-19 cases sa ‘oplan tokhang’ na isasagawa ng mga pulis, local government, at health officials. Maaalalang ang oplan tokhang ay ikinasa laban sa iligal na droga. “Parang tokhang pero pang-COVID. This may actually discourage more people from reporting […]