• May 16, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Clinical trial ng Ivermectin, inutos ni Pdu30

Ikakasa ng Food and Drugs Administration (FDA) ang clinical trial sa anti-parasitic drug na Ivermectin at sleep-inducing drug na Melatonin upang mabatid ang pagiging epektibo ng mga ito laban sa COVID-19.

 

 

Sinabi ni FDA Director General Eric Domingo na si Pangulong Rodrigo Duterte umano ang nag-utos sa Department of Science and Technology (DOST) na magkasa ng clinical trial para sa Ivermectin para masubukan kung pupuwedeng gamot sa mga Pilipino.

 

 

Una nang sinabi ng DOST na hindi na kailangan ang clinical trials para sa Ivermectin dahil sa may 20 trials na malapit nang matapos at 40 pang isinasagawa ang iba’t ibang bansa.

 

 

Sa Pilipinas, nakarehistro ang Ivermectin bilang gamot ng mga beterinaryo at ginagamit lamang laban sa mga parasitiko.

 

 

Isasailalim din sa clinical trial ang melatonin na gamit naman ng mga nahihirapan na makatulog.

 

 

Sinabi ni DOST Secretary Fortunato Dela Peña na ibinibigay din kasi ang melatonin sa mga pasyente na severe ang kaso at nakakabuti umano sa kundisyon ng mga pasyente.

 

 

Inaprubahan rin ang trials sa isang uri ng steroid na methylprednisolone na posibleng makatulong rin sa mga pasyente na malulubha ang kundisyon. (Daris Jose)

Other News
  • Bicam laban sa pag-abusong sekswal at iba pa, niratipikahan ng Kapulungan

    MGA ULAT ng bicam laban sa pag-abusong sekswal sa mga kabataan sa online, pagrepaso ng edukasyon sa Pilipinas at pagpapalakas sa sistemang pinansyal sa agrikultura, niratipikahan ng kapulungan     Niratipikahan nitong Lunes ng kamara, ang ulat ng bicameral conference committee sa mga magkakasalungat na probisyon ng House Bill 10703 at Senate Bill 2209, na […]

  • Give it your best shot- Malakanyang

    GOOD LUCK!     Ito ang mensahe ng Malakanyang sa mga bar takers ngayong taon sabay sabing “give it your best shot.”     “We wish good luck and godspeed to the more than 11,000 barristers taking the bar exams being held today and on Sunday February 6,” ayon kay acting presidential spokesperson at Cabinet […]

  • PNP ikinakasa ‘latest strategy’ vs illegal drugs

    Moderno at human rights based ang strategy ng Philippine National Police (PNP) laban sa iligal na droga.     Ito ang sinabi ni PNP Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil kaugnay ng kanilang isinasapinal na Anti-Illegal Drug Campaign Roadmap 2024-2028.     Ayon kay Marbil, sa ilalim ng bagong istratehiya, paiigtingin pa rin ang kampanya kontra […]