• April 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Clippers, bumagsak sa 7th place matapos patumbahin ng top NBA team

Los Angeles Clippers forward Paul George, center, shoots as San Antonio Spurs forward Keldon Johnson, right, defends during the first half of an NBA basketball game Sunday, Oct. 29, 2023, in Los Angeles. (AP Photo/Mark J. Terrill)

BIGO ang Los Angeles Clippers na umusad sa No. 6 sa Western Conference matapos itong patumbahin ng top NBA team – Oklahoma City Thunder.

Pinilit ng Clippers na bumangon sa 2nd half ng naturang match mula sa malamiyang 2nd quarter ngunit mahigpit na pinigilan ng OKC ang comeback effort ng koponan.

Tuluyang tinapos ng OKC ang laban sa score na 103 – 101, tangan ang dalawang puntos na kalamangan sa pangunguna ni Shai Gilgeous-Alexander na kumamada ng 26 points.

Hindi naman umubra ang 25 points at sampung rebounds ng NBA champion na si Kawhi Leonard na ibinabad ng 40 mins sa hardcourt.

Dating nasa pang-pitong pwesto ang LAC bago ang naturang laban ngunit tuluyan itong pinalitan ng Minnesota Timberwolves, hawak ang win-loss record na 41 – 31.

Kung naipanalo sana ng Clippers ang naturang laban, mapapahanay na ito sa Golden State Warriors sa No. 6 (41 – 30).

Sa kasalukuyan, hawak ng OKC ang pinakamagandang record (59-12) at No. 1 sa West.

Sinusundan ito ng Houston Rockets, Denver Nuggets, Los Angeles Lakers, Memphis Grizzlies, at GS.

Other News
  • Jesus; John 19:27

    Here is your mother.

  • JENNICA, nilinaw na hindi pera ang pinag-awayan nila ni ALWYN

    BALIK-GMA Network si Jennica Garcia, pagkatapos ng hiwalayan nila ng dating husband na si Alwyn Uytingco.      Hindi raw over money ang pinag-awayan nila, pero dinipensahan niya ang asawa sa pagsasabing, “the good things that I said about how I honor Alwyn up to this day, because he was never materialistic, hardworking and a […]

  • Sa inilabas na official statement ng legal counsel: RABIYA, nilinaw na endorser lang at ‘di part-owner ng jewelry company

    NAGLABAS ng official statement ang former Miss Universe Philippines 2020 na si Rabiya Mateo tungkol sa affiliation niya sa jewelry company na LVNA by Drake Dustin Jewelry.Nasasangkot diumano ang naturang jewelry company sa pagbenta ng fake diamonds at binigyang linaw ni Rabiya na kinuha siya bilang endorser lamang at hindi siya shareholder, part-owner o may […]