• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COA, binakbakan ni PDu30 sa kanyang Talk to the People

BINAKBAKAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Commission on Audit (COA) dahil biglang pagpasok sa “giyera” sa pagitan ng virus at government’s vaccine sa pamamagitan ng pagpapalutang ng audit observation nito na may natuklasang ilang mali sa pamamalakad ng COVID-19 funds ng DOH.

 

Bagaman hindi pa naman masasabing anomalya ang COA Audit Observation ay dapat pa ring maipaliwanag at masagot ang mga hinala sa paggamit ng pampublikong pondo.

 

Sa Talk to the People ni Pangulong Duterte, araw ng Sabado ay binira ng Pangulo ang COA sa paga-audit sa gastusin na “ongoing” pa ang pinagkakagastusan.

 

Sinabi nito na walang pera ang DoH dahil ang may pera aniya ay DBM.

 

Kung may programa man aniya ang DoH ang magbabayad ay ang DBM.

 

“Hindi humahawak si Sec. (Francisco) Duque ni piso. The perception of the public .. flogging. ‘Yan ang mahirap dyan . Alam ng COA yan. ngayon sabihin nila eh batas ito..paano? eh di question and answer mo. huwag kayong magdraw ng conclusion.. sabihin mo.. Ito yung tanong ninyo.. ito ang sagot. para malaman ng tao. and give him a chance also to answer. Sufficient time.at saka itong ginagawa ngayon ni Secretary Duque, Ano, Galvez, Sec. . Defense.. on going ito. So, you do not conduct unnecessarily ‘yung mga audit na audit na ongoing pa. We are fighting a pandemic,” litanya ng Pangulo.

 

‘They are fighting a war against an enemy na hindi natin nakikita. Give them an enough elbow room to move. At saka iyong sabi ninyo na documentation.. alam ninyo pandemic skeletal force lahat. Ang COA alam ninyo ‘yan. So, ang documentation, hindi mo kaagad-agad kasi validate mo pa, reviewhin ito at makuha pa ka ng validation ‘yan ang tapos papasok ka in the middle of the battle,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

 

Ang suhestiyon ng Pangulo ay patapusin muna sana ng COA hanggang sa katapusan ng taon ang giyera ng gobyerno laban sa covid 19 bago pumasok sa eksena.

 

‘Huwag kang pumasok ngayon kasi on going ang barilan between the virus and the government’s vaccine. There’s a war there. Huwag iyong bigla ka na lang pumasok .. conduct ka ng ano.. i-timing ninyo,” anito.

 

Kailangan ding na ayusin ang report ng COA gaya ng hindi ito akusasyon, walang perang sangkot. (Daris Jose)

Other News
  • Pekeng DepEd scholarship kalat online

    BINALAAN  ng Department of Education (DepEd) ang publiko laban sa pekeng DepEd scholarship posts na kumakalat ngayon online.     Sa abiso ng DepEd, pinaalalahanan nito ang publiko na maging vigilante laban sa misinformation.     Sa naturang pekeng posts, nakasaad na ang DepEd ay may alok na scholarship ngayong taon.     Nakasaad din […]

  • GET READY FOR DEV PATEL’S “MONKEY MAN,” DESCRIBED BY CRITICS AS THE “SOUTH ASIAN JOHN WICK” WITH ITS RAW AND INTENSE ACTION SCENES

    DEV Patel has always loved action cinema.   Patel (“Slumdog Millionaire,” “Lion”), who has been obsessed with action cinema from different parts of the world ever since he was a child, has been working on “Monkey Man” for nearly a decade. “It was an action-packed, crazy ride – blood, sweat, tears, broken bones, literally, for this […]

  • Naghiwalay na pagkatapos ng tatlong taon: JASON, ‘di itinago na naging ‘unfaithful’ bilang asawa ni MOIRA

    PAGKATAPOS ng tatlong taong pagsasama bilang mag-asawa, naghiwalay na sina Jason Hernandez at Moira dela Torre.       Hindi inaasahan ng mga tagahanga nila Jason at Moira na aabot sa paghihiwalay ang dalawa dahil noong January 2019 lamang sila kinasal.       Hindi naman itinago ni Jason na naging unfaithful siya bilang asawa […]