COA: P12-B DEAL NG BCDA NOONG SEA GAMES, MAITUTURING NA ‘DISADVANTAGE’
- Published on October 21, 2020
- by @peoplesbalita
TINAWAG na ‘disadvantage’ ng Commission on Audit ang P12-billion deal ng gobyerno para sa pagpapatayo ng National Government Administrative Center at pasilidad na ginamit noong 2019 Southeast Asian Games sa New Clark City.
Ayon sa state auditor, pinagastos umano ng Bases Conversion Development Authority (BCDA) ang pamahalaan ng P1 billion noong isinama ang P8.5 billion construction ng sports facilities at athlete’s village sa inisyal na P14.8 billion joint venture deal kasama ang Malaysian firm na MTD Capital Berhad.
Sana raw ay hindi na isiningit ng BCDA sa NGAC joint venture project ang pagpapatayo ng sports facilities sa New Clark City bagkus ay ginamit na lang ito sa iabng requirements alinsunod sa RA 6957, na inamyendahan naman ng RA No. 7718.
Dahil daw kasi sa hakbang na ito ay nadagdagan lamang ang ginastos ng pamahalaan sa pagbabayad ng interes o construction cost.
Ang RA No. 7718 ay ang act na nagbibigay authorization sa financing, construction, operation at maintenance ng infrastructure projects ng private sector at iba pa.
Kasali aniya sa orihinal na kasunduan ang pagtatayo ng govenrment buildings, commercial centers at residential housing.
Sa ilalim ng revised P12-billion joint venture deal, magbabayad ang BCDA ng P9.539 billion sa MTD Berhard imbes na P8.5 billion lamang para sa construction ng sports facilites na ginamit noong 2019 SEA Games.
-
Mga leisure spots at tourist sites sa NCR Plus Bubble, pinababantayan
Mahigpit ang direktiba ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar sa lahat ng mga police commanders na bantayan ang mga leisure spots at tourist sites sa NCR Plus Bubble na kinabibilangan ng Metro Manila, probinsiya ng Cavite, Laguna, Rizal at Bulacan. Magbubukas na kasi ang ilang tourist attractions at mga leisure spots kasunod ng pagbaba […]
-
Ads May 7, 2022
-
Dagdag gastos sa Tokyo Olympics, pinaplantsa na
Magpupulong ngayong araw ang organizing committee ng Tokyo Olympics 2021 para pag-usapan ang karagdagang gagastusin nila sa opening at closing ceremonies. Plano kasi ng organizer na gumastos ng karagadang $33.7 million. Nauna ng mayroong $82 million ang inilaan na budget sa opening ceremony subalit dahil sa coronavirus pandemic ay hindi ito ipinagpatuloy. […]