COA, pinuna ang DPWH hinggil sa mahigit na 13 dormant bank accounts
- Published on January 29, 2025
- by Peoples Balita
PINUNA ng Commission on Audit (COA) ang Department of Public Works and Highways (DPWH) hinggil sa 13 dormant bank accounts na may mahigit sa P6 million na nakadeposito sabay babala na ang kabiguan na maayos na hawakan ang accounts ay maaaring magresulta sa misappropriation o maling paggamit ng pondo.
Sa audit report nito, sinabi ng COA na ang DPWH regional office sa National Capital Region ay mayroong isang bank account na naglalaman ng P2,267,996.24 na nananatiling ‘hindi nagagalaw at hindi nagagamit” ng higit sa 10 taon.
Sa Nueva Vizcaya 1st District Engineering Office (DEO) ay mayroon namang isang bank account na nilikha para sa cash deposits at pagbabayad ng mga creditors na may kontrata mula sa ibang ahensiya ng pamahalaan, Ang P104,374.14 na naka-deposito ay itinuturing na ‘dormant o inactive’ para sa mahigit na 9 na taon.
Ang Leyte 2nd DEO ay mayroon namang apat na bank accounts na ‘inactive’ para sa anim hanggang walong taon na habang ang Leyte 3rd DEO ay mayroong tatlong dormant bank accounts na nananatiling inactive simula pa noong 2020. ang Biliran DEO ay mayroong dalawang bank accounts na ipinagpapalagay na ‘inactive’ at ‘for closure’ na.
Ang Isabela City DEO sa Basilan sa kabilang dako ay mayroong dalawang bank accounts na naglalaman ng P3,644.277.15 na nananatiling dormant para sa mahigit na 10 taon.
Tinuran ng COA na tinanong nito ang DPWH hinggil sa dormant bank accounts, sinabi ng mga opisyal ng DPWH na “the purpose for which the bank accounts were established have already been completed and are no longer applicable.”
“Thus, the non-closure of unnecessary and dorman bank accounts not only raises the inaccuracy and unreliability of the reported balance of the cash accounts as [of] year end but also exposes the balances of these accounts to the risk of possible misappropriation/misuse,” ang nakasaad pa rin sa report. (Daris Jose)
-
ALAK, BAWAL MUNA SA PISTA NG ITIM NA NAZARENO
IPAGBABAWAL muna ang pagbebenta at pag-inom ng alak sa Kapistahan ng Quiapo , ayon kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso Ito ay matapos lagdaan ng alkalde ang City Ordinance 5555 na nagbabawal sa pagbebenta ng alak sa panahon ng Kapistahan ng Itim na Nazareno o nasasakop ng Kapistahan. Magsisimula ang liquor […]
-
Judy Ann at Kathryn, napipisil na gumanap: Life story ni CHARO, gustong isa-pelikula ni Direk DARRYL
NAIS ng direktor na si Darryl Yap na magpahinga muna sa paggawa ng pelikulang tungkol sa mga pulitiko. Tatapusin lamang niya ang pangatlong bahagi ng trilogy niya sa buhay ng mga Marcoses at lilinya muna siya sa ibang personalidad. “Politician I would like to take a rest muna,” ang natatawang umpisang sinabi ni […]
-
Colegio de San Lorenzo sa QC nag-anunsiyo na ng pagsasara
NAG-ANUNSIYO ng “permanent closure” ang Colegio de San Lorenzo sa Quezon City. Ito ay dulot ng financial instability bilang resulta ng pandemya ng COVID-19, at mababang enrollment. Ang kolehiyo, na matatagpuan sa Congressional Avenue, ay nagsabing ganap nitong ibabalik ang mga bayad na binayaran ng mga mag-aaral na nakapag-enroll na para […]