• March 22, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Coach Yeng Guiao nananahimik

SA pamantayan ng nakakakilala kay Yeng Guiao, behaved na ang maingay na coach habang minamanduhan ang Team Scottie kontra Team Japeth sa PBA All-Star Game sa Iloilo nitong Linggo.

 

Kinabitan ng mic sa buong first half ang tactician kaya dinig ang bawat salita.

 

“Ang hirap magpigil,” nakangiting bulalas ni Guiao. “Wala tuloy mura.”

 

May isang pagkakataon na nasinghalan niya ang game official.

 

“Ref, All-Star na nga ‘to mali ka pa rin,” singhal niya na umani ng tawa sa mga nakadinig sa City of Passi Arena.

 

Pinapatay ng 4-point shooting ni Paul Lee ang Team Scottie, may sundot pa ang veteran mentor.

 

“Kunin mo si Paul,” ani Guiao kay Mark Barroca nang ipasok kapalit ni Marcio Lassiter. “Tirahin mo, ha.”

 

Nang ipasok muli si Lee, si Kevin Alas naman ang itinoka niya:
“Sa ‘yo ‘yan, tirahin mo.”

 

Nagkaroon ng ilang tsansa ang Team Scottie na tumabla mula sa 4-point line sa final seconds pero ayaw pumasok ng mga tira nina Scottie Thompson at CJ Perez.

 

Masaya lang ang laro, alam ng lahat na nagbibiro ang coach.

 

“Malas!” sigaw ni Guiao pagtunog ng final buzzer ng 140-136 win ng Team Japeth. (CARD)

Other News
  • ‘No bakuna, no sakay’ policy ipatutupad ng DOTr sa NCR hanggat Alert Level 3 pataas

    MATAPOS ipatupad ang kontrobersyal na “no bakuna, no labas” policy ng gobyerno sa Metro Manila atbp. lugar, palalawakin pa ng Department of Transportation (DOTr) ang movement restrictions sa mga taong hindi unvaccinated laban sa kinatatakutang COVID-19.     Ika-11 ng Enero nang ipag-utos ni Transport Secretary Arthur Tugade sa no vaccination, no ride/no entry sa […]

  • Bilang ng mga Pinoy na walang trabaho, bumaba sa 24.7 percent ayon sa SWS

    BAHAGYANG bumaba ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho noong Disyembre 2021 na umabot sa 11 milyon, ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).     Ngunit, binanggit na tumaas ang rate ng mga nawalan ng trabaho sa mga nasa hustong gulang sa lahat ng lugar maliban sa Visayas.     Ayon sa […]

  • Pamasahe sa PUJ tumaas muli ng P1

    TUMAAS ng P1 ang pamasahe sa public utility jeepney (PUJs) simula noong nakaraang Biyernes kung saan ito ay binigyan ng go-signal ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) matapos ang hearing na ginawa noong June 28.     Magiging P11 ang miminum na pamasahe sa mga PUJs mula sa dating P10 kung saan ito […]