COCO at JULIA, mala-Mr. & Mrs. Smith ang peg sa promo shot para sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’
- Published on August 16, 2021
- by @peoplesbalita
MALA-Mr. & Mrs. Smith ang peg ng promo shot nina Coco Martin at Julia Montes para sa FPJ’s Ang Probinsyano.
Kaya naman may kanya-kanyang reaction ang netizens na ‘yun iba ay hindi nagustuhan.
“Yung Probinsyano naging Spy na.”
“Mr. And Mrs. Smith ang peg…
“Bansot version. Anlayo ng Brad and Angelina ha. Kamukha ni Julia si Nina. Si Coco si Brod. Pitt”
“Sorry, no chemistry for me and walang dating si JM.”
“Nakaabang lagi sa post about Coco-Jul hintayin mo paglabas ni Juls sa AP para lalo kang maging ampalaya.”
“Baka ibahin nila ang concept… sana gumawa na lang sila ng ibang show.
“She looks matured in the pic. Hindi maganda ang aura ni JM although maganda siya.”
“Dislike. Awkward ng wig at yung emotionless face ni Julia tapos si Coco OA naman ng facial expression.”
“Pangit talaga ng wig ng ABS-CBN. Daming bash yan sa social media hahaha… Yung kay Marian magandang wig sa ‘Temptation of Wife’.”
“Baby face talaga si Coco. Si Julia parang forties na. Mas bata pa tingnan sina Bela Padilla, Maja Salvador and Yassi Pressman. Sorry sa mga fans…”
“Natawa ako sa mukha ni Coco. Galit na galit gustong manakit.”
“Pa-Mission Impossible na to, malapit na, magmamaka-Tom Cruise na si Coco.”
(ROHN ROMULO)
-
NBA tinanggal na ang kanilang project sa China
Tinangal na ng NBA ang kanilang project sa training center sa Xinjiang region matapos ang batikos na kinakaharap dahil sa pagtrato nila sa mga minorities. Sa sulat na inilabas ni Senator Marsha Blackburn, ilang milyong dolyar ang kanilang lugi ng hindi na ini-ere ng Chinese broadcasters ang kanilang mga laro noong nakaraang taon. […]
-
Bunsod ng pagiging number one na krimen ang ‘rape’: Abalos, ipinag-utos ang mas maraming kapulisan sa ilang lugar sa Pinas
IPINAG-UTOS ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr. sa Philippine National Police (PNP) na gawin ang lahat ng makakaya para protektahan ang mga kabataang kababaihan at paigtingin ang implementasyon ng “Kuwarto ni Nene” program sa mga komunidad kung saan tumaas ang sexual abuse cases laban sa mga kabataang kababaihan. […]
-
DOTr humihingi ng P19.8 B na budget para sa road transport sector
Humihingi ng P19.8 billion ang Department of Transportation (DOTr) sa Senado upang maponduhan ang mga proyekto sa road transport sector na gagawin sa buong bansa sa susunod na taon. Noong nakaraang committee meeting sa finance ng Senado, naghain ng proposal ang DOTr para sa kanilang 2022 budget kung saan nila hiningi ang […]