• September 24, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Coco Levy Trust Fund Act, pinirmahan na ni PDu30

PINIRMAHAN na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang ganap na batas ang bumuo ng Coconut Farmers and Industry Trust Fund na naglalayong tiyakin na may pondo para sa industriya ng mga magsasaka ng niyog.

 

Sa ilalim ng Republic Act No. 11524, idi-dispose ng pamahalaan ang P75-bilyong halaga ng coco levy assets sa susunod na limang taon upang maitatag ang trust fund para sa kapakinabangan ng mga coconut farmers at kaunlaran g industriya.

 

Ang bagong batas na kilala rin bilang “Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act,” ay inaasahang magbibigay benepisyo sa mga coconut farmers at sa mga nagmamay-ari ng hindi hihigit sa limang ektarya ng coconut farm.

 

Itinatakda sa ilalim ng bagong batas ang pagtatatag ng coconut farmers and industry development plan na mag-oobliga rin sa Philippine Coconut Authority (PCA) na kumonsulta sa mga coconut farmers at sa kanilang mga organisasyon at iba pang samahan sa pagpapatupad ng mga polisiya para sa kaunlaran at rehabilitasyon ng industriya sa loob ng 50 taon.

 

Kailangan namang sumunod ng PCA sa ilang layunin kung saan kabilang ang mga sumusunod:

 

Pagpapataas ng produksyon at kita ng mga magsasaka ng niyog;

 

 

Pagpapagaan ng kahirapan, edukasyon at sosyal na pagkakapantay-pantay;

 

At rehabilitasyon, modernasyon ng industriya ng niyog tungo sa magandang produksyon;

 

Habang kailangan namang nakapaloob sa plano ng National program ang mga sumusunod:

 

Community-based enterprises

 

Sosyal na pagpoprotekta sa mga magsasaka at manggagawa ng niyog sa mga sakahan kasama na ang kani-kanilang mga pamilya

 

Pagbuo ng grupo ng mga magsasaka ng niyog at pagpapabuti nito

 

At ang mga innovative research projects

 

Magugunitang, ibinasura ni Pangulong Duterte ang kaparehong bill noong 2019 kung saan ipinaliwanag ng Pangulo na ang dahilan ng kanyang pag-veto sa panukala ay ang aniya’y kawalan ng “vital safeguards” upang maiwasan ang mga nakaraang pagkakamali at posibleng paglabag sa Saligang Batas. (Daris Jose)

Other News
  • Pagunsan all-set na sa 2nd day ng torneo sa Tokyo Olympics

    Nakahanda ng sumabak sa ikalawang round ng men’s individual golf sa Tokyo Olympics ang pambato ng bansa na si Juvic Pagunsan.     Nasa pang-limang puwesto kasi ito sa unang round ng torneo na ginanap sa Kasumigaseki Country Club.   Sa unang round ay naantala ng isang oras ang laro dahil sa naranasang pagkidlat.   […]

  • Miyembro ng “Legaspi Drug Criminal Group”, tiklo sa baril at shabu Navotas

    KALABOSO ang isang miyembro ng “Legaspi Drug Criminal Group” matapos makuhan ng baril at shabu sa isinagawang operation ng pulisya sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.     Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong suspek na si Alfredo Borlongan alyas “Hill”, 32 ng S. Roldan St., Brgy. Tangos South.   […]

  • P272 milyon lang nagastos sa kampanya ni BBM

    KUNG ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP) nina president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang paniniwalaan, umabot lang sa P272 milyon ang nagastos nila para sa eleksyong 2022.     Ito ang isiniwalat ni George Briones, general counsel ng PFP, sa ulat ng ABS-CBN News pagdating sa kanilang statement of contributions and expenditures (SOCE) na ihahain […]