• September 27, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Cojuangco, Romasanta at Barrios pararangalan ng PSA

Tatlong mahuhusay na sports personalities ang gagawaran ng Lifetime Achievement Award sa SMC-PSA (Philippine Sportswriters Association) virtual Awards Night sa Marso 27.

 

 

Ito ay sina dating San Miguel Corp. Chairman/CEO Eduardo ‘Danding’ Cojuangco, Gintong Alay Project Director Joey Romasanta at dating PBA Commissioner Renauld ‘Sonny’ Barrios.

 

 

Bibigyan ng parangal sina Cojuangco, Romasanta at Barrios dahil sa kanilang kontribusyon sa pagpapalawak ng sports sa bansa.

 

 

Makakasama ng tatlong kilalang personalidad si Athlete of the Year choice Yuka Saso sa listahan ng mga awardees sa PSA virtual awards.

 

 

Nauna nang ginawaran ng Lifetime Achievement Award sina pool legend Efren ‘Bata’ Reyes, Caloy Loyzaga, Virgilio ‘Baby’ Dalupan, Florencio Campomanes, Mauricio Martelino, Francisco Elizalde, Carlos Padilla, Filomeno ‘Boy Codiñera, at ang 1973 Philippine men’s basketball team.

 

 

Binibigyang-parangal ng PSA ang mga atleta at personalidad na nagning­ning sa kani-kanyang sports sa nakalipas na taon.

Other News
  • ‘One-seat-apart’ policy ‘di pagluluwag sa physical distancing rule: DOH

    BINIGYANG-DIIN ng Department of Health (DOH) na ang one- seat-apart policy ng pamahalaan sa mga pampublikong sasakyan ay hindi pagbabawas sa umiiral na physical distancing protocols.   Sa isang virtual briefing, sinabi ni DOH Usec. Maria Rosario Vergeire na kailangan lamang nila ng mensahe na mas madaling maiintindihan ng publiko kaya ginamit ang terminong one […]

  • DOH, nakapagtala ng 16 pang kaso ng highly transmissible Omicron subvariants

    NAKAPAGTALA  ang Pilipinas ng 16 pang kaso ng highly transmissible omicron subvariants na BA.5 at BA.2.12.1.     Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang bilang ng mga bagong impeksyon ay nagpataas sa kabuuang kaso ng BA.5 at BA.2.12.1 sa buong bansa sa 11 at 39.     Anim pang kaso ng BA.5 ang […]

  • El Niño mararanasan hanggang 1st quarter ng 2024 – PAGASA

    ITINAAS na ng PAGASA ang El Niño watch sa bansa makaraang mabanaagan ng ahensiya na magiging mainit ang kundisyon sa klima na mararanasan sa iba’t ibang lugar sa susunod na mga buwan.     Sa press conference sa Quezon City, sinabi ni Dr. Vicente Malano, PAGASA administrator na 55-percent ang probability na maranasan ng bansa […]