Colegio de San Lorenzo sa QC nag-anunsiyo na ng pagsasara
- Published on August 18, 2022
- by @peoplesbalita
NAG-ANUNSIYO ng “permanent closure” ang Colegio de San Lorenzo sa Quezon City.
Ito ay dulot ng financial instability bilang resulta ng pandemya ng COVID-19, at mababang enrollment.
Ang kolehiyo, na matatagpuan sa Congressional Avenue, ay nagsabing ganap nitong ibabalik ang mga bayad na binayaran ng mga mag-aaral na nakapag-enroll na para sa school year 2022-2023.
Idinagdag pa nito na tutulong din ito sa mga mag-aaral sa paglipat sa ibang mga paaralan sa pamamagitan ng paglalabas ng kanilang mga rekord at kredensyal.
Ang Colegio de San Lorenzo ay umaabot na rin sa tatlong dekada ang operasyon.
Noong nakaraang buwan, ang Kalayaan College, na matatagpuan din sa Quezon City, ay nag-anunsyo na tatapusin ang operasyon nito pagkatapos ng 22 taon “dahil sa patuloy na pagkalugi sa pananalapi na dulot ng pagbaba ng populasyon ng mga mag-aaral at pinalala ng mga hamon na dulot ng patuloy na pandemya.”
Sa unang bahagi ng taong ito, ang 107-taon na rin na College of the Holy Spirit sa Mendiola Street sa Maynila ay tumigil din sa operasyon dahil sa kahirapan sa pagpapataas ng enrollment na pinalala ng coronavirus pandemic.
-
Facebook pinalitan na ang pangalan bilang ‘Meta’
Inanunsiyo ni Facebook founder Mark Zukcerberg na papalitan na nila ang pangalan ng kanilang kompanya. Tatawagin na aniya ito simula ngayon bilang “Meta”. Isinagawa nito ang anunsiyo sa virtual reality ng kompanya na naka-focus sa metaverse o Meta. Sinabi nito na sa kasalukuyan kasi ay nakikita ang kanilang kompanya […]
-
P5 taas-pasahe sa jeep inihirit ng transport group
NANAWAGAN kahapon ang transport group na Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) sa pamahalaan na aprubahan na ang hiling nila na P5 dagdag-pasahe dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa. Ayon kay FEJODAP president Ricardo “Boy” Rebaño, umaasa silang aaksiyunan ng pamahalaan […]
-
Tina-try na lang humanap ng saya sa ibang bagay: ERVIC, choice na maging loveless dahil wala pang time makipagrelasyon
CHOICE ni Ervic Vijandre na maging loveless, o baka wala siyang sapat na panahon para igugol sa pakikipagrelasyon sa ngayon. Ayon sa konsehal ng San Juan City, “Kasi nga, dahil sa ganito yung mindset ko na pinapahalagahan ko yung mga nasa paligid ko, ng mga opportunity ko, siguro yung mga nakikilala ko, yung […]