• May 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Colleges, universities planong lagyan ng ‘Register Anywhere’ ng Comelec

PLANO ng Commission on Elections (Comelec) na maglagay pa ng mas ma­raming site para sa Register Anywhere Project (RAP) nito, partikular sa mga kolehiyo at unibersidad.
Sinabi ni Comelec Spokesperson John Rex Laudiangco na kasaluku­yang nakikipag-ugnayan sila sa Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED) para magkaroon ng RAP ang ilang kolehiyo at unibersidad.
Sinabi ni Laudiangco na asahan na magkakaroon ng registration sites sa mga nangungunang unibersidad at kolehiyo sa lalong mada­ling panahon.
Pinaplano nilang magsagawa ng RAP sa ilang mga institusyong pang-edukasyon sa Enero 2023.
Nagsimula ang pagpapatupad ng RAP noong Disyembre 17, at magtatapos sa Enero 22, 2023— tuwing Sabado at Linggo, maliban sa Disyembre 24, 25, at 31, 2022 pati na rin sa Enero 1, 2023.
Sa kasalukuyan, ginaganap ang RAP sa SM Mall of Asia, SM Fairview, SM Southmall, Robinson’s Place Manila, Robinson’s Galleria, Robinson’s Mall Tacloban, SM City Legazpi, at Robinson’s Mall Naga.
Nakipag-coordinate na rin sila sa Department of Transportation (DOTr) para lalo pang isulong ang RAP.
“Sa MRT at LRT, may posters na rin po diyan. Tumutulong ang Department of Transportation pati na rin po sa ibang mga terminal para maipakalat sa ating mga kababayan ang registration na nagaganap,”aniya pa. (Daris Jose)
Other News
  • NLEx Harbor Link Malabon exit, posibleng buksan sa Peb. 21- Villar

    Nakikita ang posibilidad na buksan ang Malabon exit ng North Luzon Expressway (NLEx) Harbor Link C3-R10 section sa kahabaan ng Dagat-Dagatan Avenue sa Pebrero 21 matapos pabilisin ang konstruksyon nito, ayon kay Public Works Secretary Mark Villar.   Nagsagawa ng huling inspeksyon si Villar kasama ang mga opisyal ng NLEX Corp. sa C3 hanggang Dagat-Dagatan […]

  • Nakararanas ng hirap sa mga isinasagawang response effort sa mga lugar na tinamaan ng kalamidad dahil sa patuloy na banta ng Covid-19

    PUMIYOK si National Disaster Risk Reduction & Management Council Executive Director USec Ricardo Jalad na hirap ang kanilang sitwasyon ngayon kung saan maliban sa sinusuong na pandemya ay sumabay pa ang paghagupit ng bagyo sa ilang bahagi ng bansa.   Sa Laging handa public press briefing at sinabi ni Jalad na may mga evacuation centers […]

  • SHARON, nag-react sa #CuBao dahil mas type niya ang #MaRon sa team-up nila ni MARCO

    BENTANG-BENTA sa netizens ang pinost ni Direk Darryl Yap sa kanyang FB account VinCentiments na kung saan nag-last shooting day na pala sila ng Revirginized na pinagbibidahan ni Megastar Sharon Cuneta.     Kasama nga ni Sharon ang newest leading man niya na si Marco Gumabao sa naturang post na kinakiligan din ng netizens.   […]