• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Comelec, nag-isyu ng ‘Notice to Remove’ campaign materials

PADADALHAN na ng  Commission on Elections (Comelec) ang mga kandidato ng ‘Notice to remove ‘  para alisin ang kanilang campaign materials na nakalagay sa mga bawal na lugar.

 

Ilang araw bago ang campaign period ay nag-ikot si Comelec Chairman George Garcia sa Maynila kung saan maraming mga campaign materials ang namataan sa ilang lugar sa Maynila

 

Gayunman, nagkalat pa rin ang mga campaign materials sa bahagi ng Honorio Lopez Boulevard at iba pang lugar na una nang nilinis ng komisyon.

 

Dahil dito sinabi ni  Special Asst to the Chairman, Atty Frances Aguindadao-Arabe, ipinag-utos na ng Comelec na maisyuhan ang mga kandidato  notice to remove campaign materials

 

Ayon pa kay Atty Arabe, pinuno ng TF Oplan Baklas, kung hindi tutugon ang mga kandidato ay saka sila kukunan ng sinumpaang salaysay at iisyuhan ng show cause order.

 

Ito ay para sa dalawang hiwalay na tugon ng komisyon kung walang gagawin ang mga kandidato sa mga paglabag sa patakaran sa pangangampanya.

 

Una nang nagbanta ang Comelec na handa Silang aksyunan ang mga paglabag ng mga kandidato kahit umabot pa ito sa pagsusulong ng kanilang diskuwalipikasyon. (Gene Adsuara)

Other News
  • Gilas 3×3 nagsimula ng training sa Calamba bubbles

    Nagsimula ang Gilas Pilipinas 3×3 team ng kanilang training sa Calamba bubble bilang paghahanda sa Olympic Qualifying Tournament.     Matapos ang kanilang RT-PCR Test ay tumuloy na ang 6-man national team sa kanilang ensayo sa Inspire Sports Academy.     Aabot sa walong araw ang mga ito sa bubble bago umalis patungong Graz, Austria […]

  • NADIA, naoperahan dahil sa ‘Wolff-Parkinson-White’ syndrome at mabilis ang naging recovery

    ISA ang dating aktres na merong Wolff-Parkinson-White syndrome kung kaya dumaan ang si Nadia Montenegro sa isang operasyon   Binanggit din niya na meron na siyang ganito noong 17 taong gulang pa lamang siya at ang surgery niya kamakailan ang pinaka-una niyang operasyon.   Ang tinatawag na WPW syndrome ay isang heart condition na congenital […]

  • ALBIE, nabugbog at napahiya pagkatapos na kaladkarin sa pagbubuntis pero walang natanggap na apology mula kay Andi

    HINDI nagpaliguy-ligoy si Albie Casiño nang tanungin siya tungkol sa naging relasyon nila noon ni Andi Eigenmann.      Bago pumasok si Albie bilang celebrity housemate ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10, hindi niya iniwasan sumagot sa mga tanong about Andi.     Ayon kay Albie, tapos na raw siya sa pagtatakip kay Andi […]