Comelec spokesman James Jimenez, Dir. Arabe, pinasususpinde
- Published on April 30, 2022
- by @peoplesbalita
ISINUSULONG ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rey Bulay na pansamantalang suspendehin ang dalawa nilang opisyal na may partisipasyon sa aberya sa “PiliPinas Debates 2022.”
Matatandaang hindi natuloy ang naturang debate ng mga presidential candidates, matapos magkaaberya ang Impact Hub sa bayad para sa Sofitel Hotel.
Partikular na pinasususpinde ni Bulay sina Comelec spokesperson James Jimenez at Dir. Frances Arabe, na mula sa media relations department.
Ipinagtataka ng opisyal kung bakit itinutulak nina Jimenez at Arabe ang paglalaan ng komisyon ng P15 million, para lamang matuloy ang debate.
Kung sakaling mapapatawan ng suspensyon, maaari pa rin umanong makaganap ng ibang trabaho ang dalawa, sa ilalim ng patnubay ng kanilang committee heads.
“They can continue other functions under the supervision of their committee heads,” wika ni Bulay. (Daris Jose)
-
May delayed telecast sa ALLTV: Gabi ng Parangal ng ‘The 7th EDDYS’, tuloy na tuloy sa July 7
MAS maningning at kaabang-abang ang awards night ng ‘The 7th EDDYS’ ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ngayong 2024. Ang ika-7 edisyon ng The EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ay gaganapin sa darating na July 7, sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom, Pasay City. Mapapanood naman ang delayed telecast ng idaraos na […]
-
BLOCKBUSTER SEQUEL “A QUIET PLACE PART II” STORMS INTO PH THEATERS
THE wait is over! Coming off an insanely quiet year at the cinemas, A Quiet Place Part II is set to help Philippine theaters roar back to life when the critically acclaimed thriller opens on November 10. [Watch the film’s Final Trailer at https://youtu.be/gBvwZOp-AAw] A Quiet Place Part II is the definitive kind of […]
-
VP Sara, kinilala ang ‘institutional support’ ni Leni Robredo sa OVP
KINILALA ni Vice President Sara Duterte ang “institutional support” ni dating Vice President Leni Robredo, para sa Office of the Vice President (OVP). Sa katunayan, pinapahalagahan ni Duterte ang kontribusyon ni Robredo sa “Pasidungog,” isang OVP thanksgiving event para sa mga partners nito na ang papel at gampanin ay “significant impact in expanding […]