• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Comelec walang kapangyarihan na tumanggi sa voter registration extension – Lagman

Binigyan diin ni Albay Rep. Edcel Lagman na hindi maaring tumanggi ang Commission on Elections (Comelec) sa extension ng voter registration process.

 

 

Sa ilalim kasi aniya ng iniakda niyang batas, ang Republic Act No. 8189 o “The Voter’s Registration Act of 1996,” mayroong hanggang Enero 9, 2022 ang poll body para isagawa ang voter registration.

 

 

Sa ilalim ng Section 8 ng naturang batas, nakasaad na ipinagbabawal lamang ang voter registration 120 days bago ang regular election at 90 days naman bago ang isang special election.

 

 

Dahil dito, sinabi ni Lagman na maaring ipagpatuloy pa rin ang registration ng mga botante para sa May 2022 polls hanggang Enero 9, 2020, na saktong 120 days bago ang May 9, 2022 regular election.

 

 

Mas reasonable at critical pa nga sa ngayon ang batas na ito lalo pa at nahaharap ang bansa sa pandemya, na pahirap sa mga nagnanais sana magparehistro dahil sa mga restrictions.

 

 

Magugunita na sa mga nakalipas na linggo ay makailang ulit na nananawagan ang dalawang kapulungan ng Kongreso na palawigin ng Comelec ang voter’s registration process para maiwasan ang malaking voter disenfranchisement.

 

 

Nanindigan ang Comelec na sundin ang kanilang September 30 deadline, pero bukas naman sa ideya ng 1-week extension pagkatapos ng filing ng certificate of candidacy mula Oktubre 1 hanggang 8.

Other News
  • ‘Old-style Ginebra’ armas ni Cone sa semis vs Bolts

    Sa kanilang pagpasok sa semifinal round ay inasahang muling maglalaro ang Barangay Ginebra sa tinatawag ni head coach Tim Cone na ‘old-style Ginebra basketball’.   Ito ang ginamit ni Cone sa 81-73 pagsibak ng No. 1 Gin Kings sa No. 8 Rain or Shine Elasto Painters sa kanilang quarterfinals match sa 2020 PBA Philippine Cup. […]

  • LTFRB: P860 M incentives na ang naibibigay sa mga drivers ng PUVs

    May P860 million ng halaga ang naibibigay at naipamamahagi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga public utility drivers (PUVs) sa buong bansa.     Ang programa ay sa ilalim ng service contracting ng pamahalaan kung saan binibigyan ang mga PUVs drivers ng mga incentives ayon sa kanilang nalalakbay na kilometro.   […]

  • Clinical trial ng Ivermectin, inutos ni Pdu30

    Ikakasa ng Food and Drugs Administration (FDA) ang clinical trial sa anti-parasitic drug na Ivermectin at sleep-inducing drug na Melatonin upang mabatid ang pagiging epektibo ng mga ito laban sa COVID-19.     Sinabi ni FDA Director General Eric Domingo na si Pangulong Rodrigo Duterte umano ang nag-utos sa Department of Science and Technology (DOST) […]