• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Comment ni RABIYA sa pagsali ni NEIL sa ‘PBB’, hinihintay ng netizens; ex-bf handang ikuwento ang dahilan ng paghihiwalay

HANDA ikuwento ng ex-boyfriend ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo na si Neil Salvacion ang dahilan nang paghihiwalay nila sa pagsali nito sa reality show na Pinoy Big Brother.

 

 

Sa naging audition video ng 27-year-old nurse na taga-Iloilo City: “Ako po ay isang COVID nurse na dapat ay mag-a-abroad pero mas piniling manilbihan dito sa bansa bilang isang frontliner. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, ang buhay ko po ay hospital-bahay. Minsan, masisilayan mo ang huling hininga ng mga pasyente.

 

 

Ito at iba’t ibang hugot sa buhay ang aking maiaambag sa PBB Kumunity—kung paano ang buhay ng isang frontliner. Dumating ang panahon na bawal kang lumapit sa mga mahal mo sa buhay dahil hindi mo alam kung positive or negative ka, kailangan mo mag-isolate.”

 

 

Dagdag pa ni Neil, malungkot ang mag-isa tuwing nasa isolation siya, pero wala raw tatalo sa lungkot na binigay sa kanya ng bigla siyang iwan ng kanyang beauty queen girlfriend.

 

 

“Nakalulungkot man mag-isolate ng ilang buwan, mas nakakalungkot pala maiwan ka ng taong minamahal mo dahil sa pangarap nitong korona. Coronavirus o korona sa patimpalak ay ilan lamang sa mga hamon sa aking buhay. It’s about time for me to share my story, how I conquered them, and how will I inspire other people.”

 

 

Anim na taon ang tinagal ng relasyon nila Neil at Rabiya. Noong manalo bilang Miss Universe Philippines si Rabiya, naging kumplikado na raw ang relasyon nila kaya nakipaghiwalay siya. Nanatili naman daw silang magkaibigan.

 

 

Pinagtanggol pa ni Neil si Rabiya sa mga natanggap nitong bashing mula sa netizen.

 

 

Sa pagsali ni Neil sa PBB, siya naman ang nakatanggap ng bashing dahil baka ang dahilan nito ay siraan si Rabiya dahil sa pakikipag-break nito sa kanya.

 

 

Heto ang ilang comments ng netizen sa pagsali ni Neil sa PBB:

 

“Mas nakakalungkot ang magka-BF (boyfriend) na sobrang insecure sa pangarap mo. Makapag-audition nga din sa PBB. Ganitong drama lang pala kailangan.”

 

 

“Baka pinapili mo siya, syempre opportunity ‘yun no! Parang sinisiraan mo pa siya. Be a man, don’t kiss and tell!”

 

 

“Ang feeling naman nito, pasalamat ka nga kay Rabiya. Kung ‘di dahil sa kanya ‘di ka rin naman sisikat at for sure pasok ka na sa PBB dahil sa pagiging sad boy mo. Kawawa naman ‘yung mga ordinaryong tao na nangangarap din maging housemates sa PBB. Lol pasimpleng user ka ‘din eh haha.”

 

 

“It’s a matter of understanding lang naman… kung mahal mo dapat ipaglaban mo siya… hindi reason ‘yung dahil sa pangarap niya iniwan ka… pano kung ikaw naman ang may pangarap, ayaw mo din ba matupad? ‘Pag maghiwalay ang dalawang tao, hindi puwede na siya lang ‘yung umayaw… it takes two to tango.”

 

 

Hinihintay ng marami ang comment ni Rabiya sa pagsali ng kanyang ex-boyfriend sa PBB.

 

 

***

 

 

ISANG daddy na ang Kapamilya actor na si Neil Coleta dahil naisilang na ng kanyang partner na si Chin Kee noong nakaraang September 3 ang kanilang baby girl na pinangalanan nilang Jazmin Chinnei Marie Coleta.

 

 

Pinost ni Neil via Instagram ang photo niya karga ang baby nila ni Chin: “Salamat po Panginoon sa normal delivery ni Chin kay baby Jazmin. Hirap explain ng nararamdaman pero sobrang thankful dahil binigay Niyo siya samin. For me pinakamagandang blessings sa buhay ko to and samin ni Chin. Mahal na mahal kita Jazmin at lahat gagawin ko para sa inyo ng mommy mo. Masasabi ko lang sobrang sarap sa feeling parang nawawala lahat ng pagod at stress mo sa unang kita mo sakanya na naka ngiti.”

 

 

Nag-share din si Chin ng photos ng kanilang baby sa kanyang IG.

 

 

“Kasama kana namen Baby Jazmin. Worth it ‘yun sacrifices ko from day 1 up to now. Sobrang ganda mo anak. Iba yun feeling noon narinig ko iyak mo, nakita na kita at nilagay ka sa dibdib ko. Sobrang sarap at binuo mo yun pagkatao ko anak. Sisiguraduhin ko sayo na maging mabuti kaming magulang. Mahal na mahal ka namin Baby Jazmin.”

 

 

***

 

 

SIMULA September 8 ay pinalabas na online ang kauna-unahang Kapampangan-Filipino drama short film/web series sa New Zealand na pinamagatang “Mekeni” o “Halika” sa Tagalog at “Come here” sa English.

 

 

Ang kuwento ay umiikot sa mga karakter ng mag-amang Filipino-Kiwi na sina Erica at Papa Noel sa gitna ng pagkamatay ng ina ni Erica. At ang kakaiba sa short film na ito ay ang ang lenggwaheng ginamit ay Kapampangan.

 

 

Ayon sa 26-year old writer ng Mekeni na si Marianne Infante, hango ang kuwento mula sa mga migrante sa Aotearoa o New Zealand at nais niyang mapanatili ang paggamit ng lenggwaheng Kapampangan. Kasama ni Marianne bilang producer si Todd Waters. 2006 pa naninirahan sa New Zealand si Marianne.

 

 

“I’m inspired by the migrant community here in Aotearoa but most especially my parents. I want them to know that their hard work and sacrifices to give my sister and I the life we have now hasn’t gone unnoticed. Next time I come home, I want to hear my younger pinsans and inaanak proudly speak and embrace their Kapampangan language and heritage. I’d like to come home and not be met with the surprise that a Kapampangan like me can still speak Kapampangan. I want the language to live so that my ancestors’ energy, culture, history and words live on.”

 

 

May English subtitles ang Mekeni para sa non-Kapampangan speakers.

 

 

Ayon naman sa direktor ng Mekeni na si Alyssa Medel, makaka-relate sa Mekeni ang mga migranteng Pilipino sa New Zealand.

 

 

Ang Te & Kuya Collaborative ay isang production company na binuo ni Marianne at isa pang Pilipino na si Merwin Silerio na nagdi-develop at nag-i-empower sa Filipino creatives o artists sa New Zealand.

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • DA, magkakaloob ng P5M pautang sa bawat meat vendor association ngayong panahon ng krisis

    NAKAHANDA ang Department of Agriculture na magkaloob ng P5 milyong pisong halaga ng loan para sa mga meat vendors association .   Sinabi ni DA Sec. William Dar, na layon nitong matulungan ang mga tindera ng baboy na magkaroon ng sapat na kapital ngayong panahon ng krisis.   Aniya, magsisilbing zero interest ang pautang na […]

  • PBBM, nilagdaan ang PPP Code, Internet Act habang naka-isolate dahil positibo sa COVID-19

    TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang maging gaap na batas ang Public-Private Partnerships (PPP) Code at  Internet Transactions Act.  Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na dapat sana’y pangungunahan ng Pangulo ang ceremonial signing sa Palasyo ng Malakanyang subalit kailangan na lamang pirmahan ang mga nasabing batas habang naka-isolate sa Bahay Pangulo matapos mag-positibo […]

  • Ads December 17, 2022