COMMUNITY QUARANTINE IPATUTUPAD SA BUONG METRO MANILA
- Published on March 13, 2020
- by @peoplesbalita
INIANUNSYO kagabi , Marso 12 ni Pangulong Rodrigo Duterte na itinaas na sa Code Red Sub-Level 2 ang Code Alert System sa buong bansa kaugnay sa COVID-19.
Sa kanyang public address matapos ang Inter-Agency Task Force on the Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sa Malacañang, inaprubahan at binasa ng Pangulo ang reso-lusyon na community quarantine sa buong Metro Manila para sa pagkontrol ng virus.
Suspendido ang land, domestic air, and domestic sea travel papasok at palabas ng Metro Manila mula March 15, 2020 hanggang April 14, 2020.
Ang trabaho sa Executive Branch ay suspendido rin pero kinakailangang may skeletal force na magbibigay pa rin ng serbisyo habang hinihikayat din ang pribadong sektor na magkaroon ng flexible work arrangements.
Pinalawig din hanggang April 22 ang suspensyon ng klase sa lahat ng level sa Metro Manila.
Magpapatuloy naman ang operasyon ng LRT, MRT at PNR basta magkaroon ang Department of Transportation (DOTr) ng guidelines sa social distancing sa loob ng mga nasabing pam-publikong transportasyon.
-
Patay na si Efren ‘Bata’ Reyes, ‘fake news’
Nag-react ang pamilya ng Pinoy billiard champion na si Efren “Bata” Reyes sa mga lumabas sa social media na pumanaw na ito kamakailan. Ayon sa anak ni Bata na si Chelo Reyes, “fake news” umano ang naturang impormasyon dahil maayos ang kalagayan ng kanyang ama. Bilang patunay, nag-post pa ito ng video, kung […]
-
Higit 8 milyong pasaherong naitalang dumating sa bansa – BI
NAKAPAGTALA ang Bureau of Immigration (BI) ng higit sa walong milyong passenger arrivals mula Enero hanggang Setyembre ngayong taon, tanda ng pagsigla muli ng turismo at ekonomiya ng bansa. Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na nakapagproseso sila ng kabuuang 8,117, 286 Filipino at dayuhang pasahero sa mga paliparan at port sa bansa. […]
-
Ads September 25, 2021