• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Community transmission ng Delta variant sa Pinas kumpirmado

May nagaganap ng community transmission ng Delta variant sa bansa sa gitna ng tumitinding pagsipa ng mga kaso nito kahit wala pang natutukoy kung saan nagmula.

 

 

Ayon kay Philippine Genome Center (PGC) Exe­cutive Director Dr. Cynthia Saloma, dahil sa kalat na kalat na sa iba’t-ibang  rehiyon sa Pilipinas ang Delta variant, para sa PGC ay mayroon nang community transmission na dahilan ng mabilis na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

 

 

“Sa aking palagay, may kinalaman ang Delta va­riant sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.”

 

 

Batay aniya sa isinagawang sequencing, sa national average ay mayroon silang nakitang 5% ng Delta variant cases noong Hunyo ngunit pagsapit ng Hulyo ay umabot na ito kaagad sa 48%.

 

 

Sa National Capital Region (NCR), wala pang 5% ng Delta cases ang naitala noong Hunyo ngunit umabot kaagad ito ng 68% noong Hulyo.

 

 

“Based on the data of the 5% to 48% and 5% to 68%, in my opinion, the Delta variant has something to do with this to a large degree, as well as to our ASEAN neighbors,” dagdag niya. (Gene Adsuara)

Other News
  • ‘Man in black’ sa CCTV footage ng Jolo shooting, iniimbestigahan na ng NBI

    Kwestiyonable ngayon ang nasaksihan sa CCTV footage na umano’y may ‘man in black’ na gumalaw sa katawan ng isang sundalong napatay sa pamamaril sa Jolo, Sulu.   Sa ulat, iniimbestigahan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang naturang CCTV footage ng insidente.   Makikita sa video ang lalaking nakaitim na nakasuot ng sumblero na […]

  • Death toll sa hagupit ng bagyong Enteng sa PH, sumampa na sa 13 – OCD

      SUMAMPA na sa 13 katao ang napaulat na nasawi dahil sa hagupit ng bagyong Enteng.     Ayon kay Office of the Civil Defense spokesperson Edgar Posadas, kasalukuyang biniberipika pa ang mga napaulat na nasawi kung saan 8 dito ay mula sa lalawigan ng Rizal partikular sa Antipolo city kasunod ng mga insidente ng […]

  • Poland, pinagtibay ang suporta para sa defense cooperation sa Pinas, pinanindigan ang int’l law

    SA pagdiriwang ng National Day ng Republic of Poland, muling inulit ng Embassy of Poland sa Pilipinas ang commitment ng Polish government na palakasin ang defense cooperation, panindigan ang rules-based order, at bigyang-diin ang kahalagahan ng international law sa loob ng rehiyon.   Sa pagsasalita sa naturang event, sinabi ni Anna Krzak-Danel, Chargeé d’Affaires a.i. […]