• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Construction worker kinatay ng kainuman sa Malabon

NASAWI ang 45-anyos na construction worker matapos pagsasaksakin ng kanyang kalugar makaraang magkapikunan habang nag-iinuman sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Naisugod pa ng kanyang anak sa Ospital ng Malabon ang biktimang si Narciso Yureta, at residente ng Block 2, Kadima, Letre, Road, Brgy. Tonsuya subalit binawian din ng buhay habang nilalapatan ng lunas ang mga tinamong tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

 

 

Iniutos naman kaagad ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro ang pagtugis sa suspek na si Erick Cabides, nasa hustong edad at residente rin sa naturang lugar na mabilis na tumakas makaraan ang pananaksak.

 

 

Lumabas sa imbestigasyon nina P/SSg Bengie Nalogoc at P/Cpl Marlon Renz Baniqued na nag-iinuman ang magkakapitbahay sa kanilang lugar sa Block 2 Kadima, Letre Road nang magkaroon ng kulitan hanggang magkapikunan umano ang biktima at ang suspek, dakong alas-11:30 ng gabi.

 

 

Naawat naman ng kanilang mga kainuman ang dalawa subalit habang nakatayo sa harap ng kanilang bahay si Yureta, bigla na lang siyang nilusob at pinagsasaksak ng suspek bago mabilis na tumakas sa hindi matukoy na direksyon.

 

 

Iginiit naman sa pulisya ng mga kaanak ng nasawi na walang kaaway o nakagalit sa kanilang lugar ang biktima kaya’t nagtataka sila kung bakit sa malupit na paraan idinaan ng suspek ang kanyang pagkapikon sa kanilang inuman.

 

 

Gayunan, sinabi ni Col. Daro sa panayam na nagsasagawa pa ng pagsisiyasat ang pulisya hinggil sa nangyaring krimen habang patuloy ang isinasagawang paghahanap sa tumakas na suspek. (Richard Mesa)

Other News
  • Nag-react nang ikumpara kay Ruffa: POKWANG, ‘di matatahimik hanggang nasa ‘Pinas pa si LEE

    HINDI pa rin matatahimik ang Kapuso aktres na si Pokwang hanggang nasa Pilipinas pa ang ama ng anak niya na si Lee O’Brian.   Kahit na may desisyon na at inatasan na ng korte na lisanin na ni Lee Ang Pilipinas, still nasa bansa pa rin ang foreigner. Kaya nga ganun na lang ang galit […]

  • USA sa Pilipinas maglalaro

    SA PILIPINAS  maglalaro ang US Dream Team sa group stage ng FIBA Basketball World Cup na idaraos sa susunod na taon.     Ito ang kinumpirma ng FIBA matapos ang konsultasyon nito sa tatlong host countries sa FIBA World Cup — ang Pilipinas, Japan at Indonesia.     Inanunsiyo na ng FIBA Central Board na […]

  • P10-K gift cash natanggap ng centenarian sa Navotas

    NAKATANGGAP ng cash na regalo mula sa Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Navotas ang isang centenarian na nagdiwang ng kanyang ika-100 th kaarawan.   Personal na iniabot ni Congressman John Rey Tiangco ang P10,000 cash na regalo kay lola Dominga Santiago, kasama ang mga kinatawan ng CSWDO nan a mula sa pamahalaang lungsod sa […]