Construction worker timbog sa P.2M shabu sa Valenzuela
- Published on May 11, 2023
- by @peoplesbalita
KULONG ang 50-anyos na construction worker na sangkot umano sa pagbebenta ng ilegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.2 milyon halalaga ng hinihinalang shabu makaraang matiklo sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng umaga.
Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr ang naarestong suspek na si Ranier Caguitla, 50 ng no. 127 LGP Malhacan, Meycauayan, Bulacan
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen Ponce Rogelio Penones Jr, sinabi ni Col. Lacuesta na alas-5:00 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Cpt Joel Madregalejo ng buy bust operation sa F. Pantaleon St., Brgy. Malanday matapos ang natanggap na impormasyon na nagbebenta umano ng shabu ang suspek.
Nang matanggap ang pre-arranged signal mula sa kanyang kasama na nagsilbi bilang poseur-buyer na hudyat na nakabili na siya ng droga sa kanilang target ay agad lumapit ang back up na operatiba saka dinamba nila ang suspek.
Nasamsam sa suspek ang isang transparent plastic sachet at isang medium size transparent plastic sachet na naglalaman ng humigi’t kumulang P204,000.00 halaga ng hinihinalang shabu, buy bust money na isang tunay na P500 bill, kasama ang 5-pirasong P1,000 at 6-pirasong P500 boodle money, P100 recovered money at coin purse.
Pinuri naman ni NPD Director Penones ang Valenzuela police sa kanilang pinaigting na operation kontra ilegal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 and 11 under Article II of RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
-
PBBM, biyaheng Japan sa kalagitnaan ng Pebrero
SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na byaheng Japan siya sa pangalawang linggo ng Pebrero para sa state visit. “I think the tentative date is around the second week of February, right now,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang panayam. Aniya, kaagad niyang tinanggap ang imbitasyon na bumisita sa Japan nang […]
-
Ads April 16, 2022
-
DSWD, nagpasaklolo sa LGUs para sa potensiyal na livelihood program beneficiaries
HUMINGI na ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa local government units (LGUs) para sa assessment ng mga benepisaryo ng Sustainable Livelihood Program (SLP). Dumagsa kasi ang mga tao sa DSWD field office sa Maynila, araw ng Biyernes, Enero 13 sa Pag-asa na makakakuha ng cash aid. “The LGUs will now […]