• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Contingency fund ng OP, hindi gagamitin para sa pangangampanya

TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa publiko na hindi niya gagamitin ang contingency fund ng Office of the President (OP) para pondohan ang pangangampanya ng mga kandidato ng administrasyon sa Eleksyon 2022.

 

Ang pagtiyak na ito ni Pangulong Duterte ay sa gitna ng napaulat na natuklasan ng Commission on Audit (COA) na may ilang mali sa pamamalakad ng COVID-19 funds ng Department of Health (DoH).

 

Sa kanyang Talk to the People araw ng Sabado ay sinabi ng Pangulo na maaaring gamitin ng Department of Health (DOH) ang kanyang contingency fund para bayaran ang allowances at iba pang benepisyo ng mga healthcare workers at volunteers.

 

“That’s the reason, again, I have to explain to the people na bakit malaki ‘yan,” ayon sa Pangulo.

 

Sa kabilang dako, binasura naman ng Chief Executive ang pahayag ng ilan na ang kanyang contingency at intelligence funds ay gagamitin para pondohan ang pangangampanya ng kanyang kandidato sa 2022 polls.

 

“Others said I was asking for it because I will use it as a campaign. Wala akong kandidato, hindi ko nga alam kung sino ang tatakbo. Sabagay, politika eh,” ayon sa Pangulo.

 

Giit pa niya, iyong mga taong nag-iisip na gagamitin niya ang pondo ng kanyang tanggapan ay hindi kailanman magiging Pangulo ng bansa.

 

“I pity them because they can never be president. These politicians behave the way they are now, I can assure you, they can never be an administrator of the country,” anito.

 

“Kung sila yun, tingin ko, they will govern miserably,” dagdag na pahayag ni Pangulong Duterte.

 

Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ng Pangulo ang kanyang political plans para sa 2022.

 

Magkagayon man, sinabi nito na ang pagtakbo bilang bise-presidente sa Eleksyon 2022 ay hindi masamang ideya. (Daris Jose)

Other News
  • GMA Public Affairs’ first investigative docu film “Lost Sabungeros” marks world premiere at Cinemalaya

    HIGHLY regarded for its award-winning documentaries, GMA Public Affairs is taking the genre to another level as it presents its first-ever investigative documentary film, “Lost Sabungeros” – set to premiere at the 2024 Cinemalaya Philippine Independent Film Festival this August.         Directed by Bryan Brazil, “Lost Sabungeros” aims to investigate and find […]

  • Pamahalaang Panlalawigan, BTCVB pinag-usapan ang anxiety at depression sa industriya ng turismo

    Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Singkaban Festival sa taong ito, nakipagtulungan ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial History, Arts, Culture and Tourism Office (PHACTO) sa Bulacan Tourism Convention and Visitors Board (BTCVB) at pinag-usapan ang anxiety at depression sa industriya ng turismo sa isang online learning webinar sa pamamagitan ng Zoom application […]

  • Pag-IBIG, nakapagtala ng record-high P34.73 billion net income noong 2021

    NAKAPAGTALA ang Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund ng kanilang “highest-ever net income” noong nakaraang.     Nahigitan na nito ang pre-pandemic bottom line figures.     “Our strong performance last year led us to reach a net income of P34.73 billion. This is our highest net income ever, surpassing by 9.5% our P31.71 […]