• January 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Contract packages ng Metro Manila subway nilagdaan

SINAKSIHAN ni President Ferdinand E. Marcos ang paglagda sa contract packages para sa pagtatayo ng Metro subway na siyang magiging isang solusyon sa nararanasang traffic ng mga mamayan sa Metro Manila.

 

 

 

Sinabi President Marcos na ito na ang pagkakataon upang ang mga pamilya ay magkaron ng quality time dahil sa mababawasan na ang matinding traffic sa metropolis.

 

 

 

“This is an end to commuter uncertainties as well as to terrible stories about parents unable to spend quality time with their children due to heavy traffic which is now on the horizon with the eventual launch of the Metro Manila Subway Project,” wika ni Marcos.

 

 

 

Ayon kay Marcos ay ito na ang hinihintay ng mga Filipinos na isang “extremely important flagship project” ng pamahalaan na makakatulong upang ang mga pamilya ay magkaroon ng quality time.

 

 

 

Ang Metro subway ay may habang 33 kilometro na may 17 istasyon na itatayo sa pagitan ng lungsod ng Valenzuela hanggang Food Terminal Inc.sa Bicutan, Paranaque City.  Mababawasan ang travel time mula Quezon City hanggang Pasay City mula 1 oras at 30 minuto na magiging 35 minuto na lamang.

 

 

 

Hindi lamang mababawasan ang travel time kung hindi magkakaroon din ng improvement sa quality ng buhay sa lungsod.

 

 

 

“The cut of course in travel time is also very important. But still, it is to reduce the uncertainty as to when we will get home. We will reduce the terrible stories that we hear of people who no longer see their children because they come home at 1:30 in the morning, and the children are asleep. They have to wake up at 4 o’clock in the morning to get back on the bus to fight with the traffic coming back to work,” dagdag ni Marcos.

 

 

 

Ang proyektong ito ay mabibigyan ng benepisyo ang mahigit na kalahating milyon na mga pasahero kada araw habang magkakaroon naman ng magandang daloy ng tao, goods at services sa kalakhang Maynila.

 

 

 

Nilagdaan ang Contract Package 102 (CP 102) kung saan itatayo ang istasyon sa Quezon Avenue at ang Contract Package 103 (CP 103) kung saan naman itatayo ang istasyon ng Anonas at Camp Aguinaldo.

 

 

 

Sa CP 102,kasama dito ang pagtatayo ng 2 underground na istasyon sa Quezon Avenue at East Avenue at ang paglalagay ng tunneling works. Ang kontrata ay binigay sa Nishimatsu Construction Co. Ltd. At D.M. Consunji Inc. (Nishimatsu-DMCI Joint Venture). Habang ang CP103 naman ay nakuha ng Sumitomo Mitsui Construction Co. Ltd na silang gagawa ng Anonas at Camp Aquinaldo underground station at tunneling works.

 

 

 

Sinabi naman niJapanase Charge d’ Affires ad interim Matsuda Kenichi na ang paglagda sa kasunduan ay isang milestone ng kooperasyon sa pagitan ng Japan at Philippines sa ilalim ng infrastructure development ng programang “Build, Better, More.”

 

 

 

“As we take pride in spurring the Metro Manila Subway Project forward, Filipinos can assuredly rely on Japan to continuously extend our utmost support until this project is successfully completed,” saad ni Matsuda.

 

 

 

Dagdag pa ni Marcos na maraming magandang bunga ang magagawa ng nasabing proyekto kahit hindi pa operational sapagkat ang mga civil works para sa mga contract packages ay makapagbibigay ng milyong trabaho sa mga Filipino. Inaasahang makapagbibigay ito ng 18,000 na trabaho sa panahon ng construction.  LASACMAR

Other News
  • Warehouse staff sugatan sa pananaksak sa Navotas

    SUGATAN ang 26-anyos na warehouse staff matapos saksakin ng babaeng kapitbahay na kanyang nakatalo sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.     Ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong saksak sa kaliwang bahagi ng ulo ang biktimang si Jerome Cunanan, 26, ng A Santiago St., Brgy., Sipac Almacen.     Sa ulat nina PSSg […]

  • Sotto sasabak sa NBA Draft

    ITUTULOY ni Kai Sotto ang pangarap nitong makapag­laro sa NBA matapos iha­yag ang pagsabak nito sa 2022 NBA Rookie Draft.     Mismong ang 7-foot-3 Pinoy cager na ang nagdeklara ng kanyang intensiyong lumahok sa draft sa kanyang post sa social media kahapon.     “I have declared for the 2022 NBA Draft. Please pray […]

  • Ads July 11, 2022