• February 8, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

contributors

  • P7.9 milyon shabu, nasamsam ng DDEU-NPD sa 3 HVI sa Caloocan

    NASA mahigit P7.9 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa tatlong drug suspects na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos malambat ng pulisya sa buy bust operation sa Caloocan City, Huwebes ng madaling araw.           Kinilala ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief P/Lt Col. Timothy Aniway Jr ang mga suspek na sina alyas […]

  • PBBM, pinalawig ang termino ni PNP Chief Marbil ng apat na buwan

    PINALAWIG ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang termino ni  Philippine National Police Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil ng apat na buwan, epektibo, Pebrero  7, 2025, araw ng kanyang pagreretiro.   Nakasaad sa  memorandum na may petsang  Pebrero 4, 2025, nilagdaan ni  Executive Secretary Lucas Bersamin, na inaprubahan ni Pangulong Marcos ang ekstensyon ng  government service […]

  • Panukalang bus lane phaseout layon ang ‘free up EDSA space’-MMDA

    INAASAHAN na ang planong pag-alis sa Epifanio de los Santos Avenue (EDSA) bus lane ay para “free up space” sa mga pangunahing daanan.     Kinumpirma ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairperson Romando Artes na ang pag-phaseout sa EDSA bus lane ay tinalakay sa isang pulong na ipinatawag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa […]

  • Gumagawa ng pekeng PWD ID’s arestado

    ARESTADO  ang tatlong indibidwal na namemeke ng PWD Id’s  sa isinagawang entrapment operation ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) nitong Miyerkules.   Kinilala ang mga suspek na sina Marites Esedera y Goco, 34; Erdie Macaspac y  Garcia, 49; at Michelle Janaban y Ronquillo,31 na pawang residente ng Sta.Cruz, Manila.   Bago ang entrapment […]

  • DepEd, kailangan ng mas maraming pondo para sa agarang pagkukumpuni ng mga napinsalang eskuwelahan

    HUMIRIT si Education Secretary Sonny Angara ng karagdagang pondo para sa quick response fund (QRF) ng Department of Education (DepEd) para sa agarang pagkukumpuni at rehabilitasyon ng mga napinsalang school buildings. Sa isang kalatas, tinukoy ni Angara ang report ng Second Congressional Commission on Education (Edcom 2), isang ahensiya na may atas na i-assess at […]

  • Food security emergency, layon na ibaba ang presyo ng bigas sa P41-P45

    LAYON ng Department of Agriculture (DA) na impluwensiyahan ang local market para ibaba ang rice retail prices ng mas malapit sa July 2023 levels sa ilalim ng food security emergency para sa bigas. Nagmarka kasi sa panahon na ito ang tuloy-tuloy na pagtaas ng rice inflation sa bansa, nakapagtala mula July 2023 hanggang November 2024, […]

  • Pag-alis sa U- turn sa C5 ‘approved in principle’ -MMDA

    “Approved in principle” ang pansamantalang pagtanggal sa U-turn slot sa kahabaan ng C5 Road sa Parañaque City. Bahagi ito ng pagsisikap na ayusin ang traffic situation sa Metro Manila. Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairperson Romando Artes na ang pagtanggal sa U-turn slot sa kahabaan ng C5-Kalayaan Avenue […]

  • Social Media Personalities na tumangging dumalo sa Kamara dahil sa pagkakalat ng fake news, tinuligsa

    TINULIGSA ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang ilang social media personalities sa pagtanggi ng mga ito na dumalo sa pagdinig ng Kamara ukol sa pagkalat ng pekeng balita at online disinformation, kasabay ng hamon na dahil ang kanilang  mga pahayag at kritisismo sa kaukulang forum. “Wag po kayong magtago sa mga ganyan, […]

  • Panawagan ni Speaker Romualdez na tugunan ang hamon sa seguridad at ekonomiya sa Indo-Pacific region

    NANAWAGAN si Speaker Ferdinand Martin Romualdez nang mas malakas na regional cooperation, economic resilience at responsible technology governance upang tugunan ang hamon sa seguridad at ekonomiya sa Indo-Pacific region.   Sa kanyang pananalita sa harap ng mga incumbent at dating mga international lawmakers, diplomats, security experts at technology experts sa Parliamentary Intelligence-Security Forum (PI-SF) sa Manila, inihayag […]

  • Reso hinggil sa vote buying

    NAGLABAS  ng resolusyon ang Commission on Elections (Comelec) na nagpapahintulot sa mga law enforement na arestuhin ang mga vote buyers  at sellers na walang warrant kapag sila ay naaktuhan.   Ang Resolution No.11104 ay magpapalawak ng awtorodad ng Committee on Kontra-Bigay ng poll body na subaybayan ang pagbili at pagbebenta ng boto sa Eleksyon 2025. […]

  • 3 drug suspects, laglag sa higit P.4M shabu sa Caloocan

    KALABOSO ang tatlong drug suspects matapos makuhanan ng mahigit P.4 milyong halaga ng shabu sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan City. Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Edcille Canals, nagpapatrolya ang mga tauhan ng Cadena De Amor Police Sub-Station 11 sa Robes1, Brgy., 175, Camarin nang matiyempuhan nila ang dalawang lalaki na nag-aabutan umano ng droga […]

  • 2 bagong multipurpose buildings, pinasinayaan sa Navotas

    PATULOY na pinapalawak ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang kanilang pampublikong imprastraktura, kasunod ng pagbabasbas at pagpapasinaya sa dalawang bagong itinayong tatlong palapag na multipurpose buildings sa Tumana, Barangay NBBS Dagat-dagatan, at Phase 1C, Barangay NBBS Kaunlaran. Nagtatampok ang bawat multipurpose building ng basketball court, mga office space, function room, at parking slots upang tiyakin […]

  • 287 ektarya ng lupain apektado ng Ilocos Norte grass fire

    MAY kabuuang 287 ektarya ng lupain ang apektado ng tinamaan na grass fire sa kabundukang lugar ng Carasi, Ilocos Norte . Ayon sa Office of Civil Defense (OCD), 50 ektarya ng kabuuang lupain na apektado ay bahagi ng National Greening Program na pinamamahalaanan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). Ang grass fire sa […]

  • Kelot, kalaboso sa pagpapaputok ng baril sa Malabon

    SHOOT sa selda ang isang lalaki na naghasik ng takot sa kanilang lugar makaraang magpaputok ng baril habang gumagawa ng eskandalo at nagsisigaw sa Malabon City, Biyernes ng umaga. Kinilala ni Malabin police chief P/Col. Jay Baybayan ang suspek na si alyas ‘Meisyon’, 33, na nahaharap sa kasong pagpabag sa RA 11926 (Willful Indiscriminate Discharge of […]

  • Matandang binata, kulong sa pananapak sa bebot sa Malabon

    BINITBIT sa selda ang 44-anyos na matandang binata nang sapakin ang babaing serbidora nang walang pumatol sa kanyang pagwawala at paghahamon ng away sa Malabon City. Kahit nasa loob na ng barangay hall ng Brgy. Tonsuya, hindi pa rin natigil ang pagwawala ng suspek na si alyas “Gilbert” matapos siyang imbitahan ng mga nagrespondeng barangay tanod […]

  • PBBM, sinertipikahan bilang urgent ang Konektadong Pinoy bill

    SINERTIPIKAHAN bilang urgent President Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapasa ng batas na naglalayong magbigay ng ‘affordable at accessible internet connectivity’ sa mga mamamayang Filipino sa buong bansa.     Sa isang liham para kay Senate President Francis Escudero na may petsang Enero 27, nanawagan si Pangulong Marcos para sa agarang pagsasabatas ng Senate Bill 2699 o […]

  • Defense spending sa Pinas, pinalakas

    PINALAKAS ng Pilipinas ang defense expenditures nito upang magawa ng military na mapagyaman ang malakas na kooperasyon kasama ang mga kaalyado. Sinabi ito ni National Security Council (NSC) Assistant Director General Jonathan Malaya mataps na mawagan si United States President Donald Trump sa kaalyado nito kabilang na ang mga miyembro ng North Atlantic Treaty Organization […]

  • Fr. Licuanan itinalaga sa Quiapo Church

    INANUNSIYO ng Minor Basilica at National Shrine of Jesus Nazareno o kilalang bilang Quiapo Church ang pagkakaroon nila ng bagong parish priest. Itinalaga ng Archdiocese of Manila si Father Ramon Jade Licuanan na siyang mamumuno ng minor basilica sa susunod na buwan. Papalitan ng nasabing padre si Father Rufino “Jun” Sescon Jr na itinalaga bilang […]

  • Ngayong Chinese New Year: “Pursue grand ambitions not only for ourselves but for the greater good”-PBBM

    HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Filipino-Chinese community na  ituloy lamang ang kanilang “grand ambitions” hindi lamang sa sarili kundi para sa mas ikabubuti ng lahat. Nakiisa kasi  ang Pangulo sa  Filipino-Chinese community, araw ng Miyerkules, sa pagdiriwang ng mga ito ng  Chinese New Year, Isang maningning na pang-kultural na na sumisimbolo sa […]

  • P1.5M droga, nasabat sa checkpoint sa Caloocan, drug courier timbog

    MAHIGIT P1.5 milyong halaga ng ilegal na droga ang nasamsam sa isang rider na nagtangkang takasan ang mga pulis na nagsasagawa ng checkpoint makaraang masita dahil walang suot na helmet sa Caloocan City, Miyerkules ng gabi. Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Edcille Canals, habang nagsasagawa ng COMELEC checkpoint ang mga tauhan ng Police Sub-Station […]

  • DBM, target na gawing ‘No. 1’ ang Pilipinas sa buong mundo para sa budget transparency

    NANGAKO si Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman na gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya  para iposisyon ang Pilipinas bilang ‘top country’ sa buong mundo para sa  ‘budget transparency at oversight.’ Ito’y matapos na isatinig ng Kalihim ang achievement ng administrasyong Marcos habang pino-promote ang open governance. Sabay sabing nakuha ng […]

  • Solon, hinimok ang DepEd na magtatag ng ethical AI guidelines para sa tech-driven learning

    NANAWAGAN si Navotas City Congressman Toby Tiangco sa Department of Education (DepEd) na magtatag ng ethical guidelines habang isinasama nito ang Artificial Intelligence (AI) at teknolohiya sa paghahatid ng edukasyon. “We have to accept that AI is already part of our lives, so we must ensure it is utilized properly. While technology is an empowering […]

  • Malabon LGU, inilunsad ang AHON 24/7 alert app

    UPANG mapabilis ang koordinasyon sa pagitan ng lokal na pamahalaan at mga Malabueno sa panahon ng mga kalamidad, inilunsad ni Mayor Jeannie Sandoval at Malabon Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang bagong Malabon All Hazards One Network (AHON) 24/7 Alert Application. “Sa panahon po ngayon na halos lahat ng mga mamamayan ay may […]

  • 29 PULIS NA SANGKOT SA 990 KILOS NG SHABU, MAY HDO

    HINDI  na maaaring makalabas ng bansa ang 29 na pulis na isinangkot sa nasabat na 990 kilos ng shabu na nagkakahalagang P6.7B, Tondo Manila nuong 2022 makaraaang maglabas ng  hold departure order o HDO  ang Bureau of Immigration (BI)  .   Ito ay matapos katigan ng BI ang inihaing motion for issuance of hold departure order […]

  • PBBM, ipinag-utos ang ganap na suporta ng gobyerno para sa 17 pinalayang seafarers

    “TULUNGAN natin silang makabangon muli,” ito ang bahagi ng mensahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. matapos atasan ang Department of Migrant Workers (DMW) na bigyan ng komprehensibong suporta ang 17 Filipino seafarers ng M/V Galaxy Leader na kamakailan lamang ay nagbalik na sa Pilipinas matapos na bihagin ng Houthi rebels.     Inihayag ni Migrant […]

  • Israeli envoy, hangad na palawakin ang agri training program sa Pinas

    ITINUTULAK ni Israeli Ambassador to the Philippines Ilan Fluss na palawakin ang ‘intensive agricultural training program’ sa Pilipinas para maabot ang mas maraming lalawigan sa bansa.     Binigyang diin ni Fluss ang pagiging dalubhasa ng Israel sa pagpapalago ng mga ‘ fruit trees, mga gulay at high-value crops’ gamit ang scientific methods, sa kabila ng […]

  • Foreign firm na mamumuhunan sa sovereign wealth fund ng Pilipinas, wala pa- Consing

    WALA pang foreign firm ang namuhunan sa sovereign wealth fund ng Pilipinas. ”Wala pa. We haven’t opened ourselves up… So we want to build our credibility first and then we will open up,” ayon kay  Maharlika Investment Corporation president Rafael Consing Jr.   Tinanong kasi si Consing kung may mga foreign trips na si Pangulong Ferdinand Marcos […]

  • Ethics complaint… Sta. Rosa City Rep. Dan Fernandez, handang harapin ang reklamo sa kanya

    HANDANG harapin ni Sta. Rosa City Rep. Dan Fernandez ang inihaing ethics complaint laban sa kanya ng abogado ni Cassandra Ong.   Ayon sa mambabatas, karapatan ni Atty. Ferdinand Topacio na maghain ng reklamo.   Inihayag pa ng mambabatas na ipapa- ubaya niya sa Ethics committee ang reklamo laban sa kanya.   Una nang naghain ng reklamo […]

  • Iligal na nagbebenta ng wildlife, nalambat ng Maritime police

    KULONG ang isang lalaki na illegal na nagbebenta ng wildlife species matapos maaresto ng mga tauhan ng Maritime police sa ikinasang entrapment operation sa Quezon City. Ayon kay Northern NCR Maritime Police Station MARPSTA Chief P/Major Randy Veran, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa umano’y illegal na pagbebenta ni alyas ‘Connor’ ng Wildlife species kaya isinailalim […]

  • Batang babae, binugbog ng ina ng kalaro, kritikal

    KAAWA-AWA ang sinapit ng pitong taon gulang na batang babae matapos umanong pagbubugbugin ng husto ng nanay ng kanyang kalaro sa Caloocan City. Nasa kritikal pa rin na kalagayan matapos isailalim sa maselang operasyon ang biktimang si alyas “Jenny” sa Camarin Doctor’s Hospital, sanhi ng tinamong matinding pinsala sa ulo at iba’t-ibang bahagi ng katawan. Ayon […]

  • Itinakbo ng ekonomiya ng bansa, nananatiling ‘quite impressive’- Balisacan

    NANANATILING ‘quite impressive’ ang itinakbo ng ekonomiya ng Pilipinas sa kabila ng kinapos na maabot ang target noong nakaraang taon. Sinabi ni National Economic Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan na hindi kontrolado ng gobyerno ang mga dahilan na nakaapekto sa itinakbo ng ekonomiya ng bansa.     “We fall short of the target but that’s […]

  • ICC requests na idadaan sa Interpol, hindi dapat balewalain-Bersamin

    HINDI dapat balewalain sakali’t mag-‘request’ ang International Criminal Court (ICC) na arestuhin o ihatid ang taong ‘subject’ sa ICC jurisdiction, kapag idinaan na ito sa Interpol.     Ang paliwanag ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa press briefing sa Philippine International Convention Center sa Pasay City, bagaman hindi pa rin nagbabago ang posisyon ng Pilipinas hinggil […]

  • Imbestigasyon sa pagpapakalat ng fake news, sisimulan ng Kamara

    NAKATAKDANG  simulan ng Kamara ang imbestigasyon sa pagkalat ng fake news at disinformation.   Tatlong komite o Tri Committee (Tri Comm) ang siyang mangunguna sa pagsasagawa ng imbestigasyon sa likod ng malawakang disinformation maging ang impact nito sa Filipino society.   Ang joint panel ay bubuuin  House Committees on Public Order, on Public Information at on […]

  • NAVOTAS SOLON, SUPORTADO ANG P500M PONDO NG PNP IT SYSTEMS

    IKINATUWA ni Navotas Congressman Toby Tiangco ang desisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na muling maglaan ng P500 milyon mula sa intelligence fund ng Philippine National Police (PNP) upang maibalik ang badyet para sa mga programa nito sa information technology. “Cyberspace is a rapid changing landscape and we need to ensure that our law enforcement […]

  • Chinese Embassy pumalag: Chinese ‘espionage’ ops, ‘baseless speculation and accusation’

    PINALAGAN ng Chinese Embassy ang di umano’y espionage operation sa Pilipinas ng sinasabing Chinese spy.     “The so-called ‘espionage’ operation of a Chinese citizen in the Philippines is baseless speculation and accusation,” ang sinabi ng tagapagsalita ng Chinese Embassy na naka-post sa kanilang website. “The Chinese Embassy in the Philippines has expressed concerns to the […]

  • Sakripisyo ng SAF 44, paalala ng kahalagahan ng “national unity”- VP Sara

    PARA kay Vice-President Sara Duterte na isang “powerful reminder” ang ‘heroic deaths’ ng 44 miyembro ng Special Action Force (SAF) na nasawi sa madugong engkwentro sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25, 2015 para sa kahalagahan na magkaisa bilang isang bansa.   Ipinahayag ito ni VP Sara sa video message ukol sa National Day of Remembrance of […]

  • DFA sa mga undocumented Pinoy sa Estados Unidos: Manatiling ‘low profile’, gawing legal ang inyong pamamalagi

    PINAYUHAN ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang undocumented at overstaying Filipino sa Estados Unidos na manatiling “low profile” at gawing legal ang kanilang pamamalagi habang pinahihigpit ng administrasyong Trump ang kanilang mga immigration policy. Sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Eduardo Jose De Vega na nakahanda ang DFA na ipaabot ang tulong nito sa mga Filipino […]

  • Akusado sa 990 kilos na shabu, naghain ng not guilty

    NOT GUILTY plea ang inihain ng abogado ng mga akusadong pulis sa 990 kilos shabu sa ginanap na arraignment  Lunes ng umaga, Enero 27.   Dahil dito, itinakda ng Manila Regional Trial Court (MRTC)  Branch 175 sa Pebrero 14  ang pre-trial para sa kasong paglabag sa RA 9165 sa 29 na mga pulis. Kaugnay ito sa […]

  • Mga pro-China candidates sa halalan, huwag iboto

    UMAPELA si House Deputy Majority Leader at La Union Rep. Paolo Ortega V sa mga Pinoy na huwag iboto ang mga  pro-China candidates ngayong darating na May midterm elections.   Kasunod na rin ito sa ulat na gumamit ng sonic device ang isang  Chinese vessel sa Philippine Coast Guard ship malapit sa Zambales.   Ang device […]

  • HVI drug suspect nasilo sa Navotas buy bust, higit P.3M droga, nasabat

    ISANG drug suspect na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) ang timbog matapos makuhanan ng mahigit P.3 milyong halaga ng shabu nang kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Navotas City. Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes na nakatanggap […]

  • Binata na wanted sa rape sa Bulacan, nalambat ng Caloocan police

    HIMAS-REHAS ang isang lalaki na wanted sa kasong statutory rape matapos makorner ng pulisya sa ikinasang manhunt operation sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon. Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Edcille Canals ang akusado na si alyas ‘James’, 20. Dinakip si ‘James’ sa […]

  • “Ironclad” commitment ng US sa Pilipinas sa liderato ni Trump, mananatili

    IKINALUGOD ni Speaker Martin Romualdez ang ginawang paniniguro ng bagong talagang U.S. Secretary of State Marco Rubio na ime-maintain ng United States, sa ilalim ng liderato ni Presidente Donald Trump, ang “ironclad” commitment nito sa Pilipinas.   “Secretary Rubio’s affirmation clearly demonstrates the United States’ enduring commitment to our partnership. This reassurance comes at a crucial […]

  • Matobato, walang pasaporte para pumuga palabas ng Pinas- DFA

    SINABI ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang record ng pasaporte at biometric records ang self-confessed hitman na si Edgar Matobato kahit pa isiniwalat sa New York Times article na nakapuga ito palabas ng bansa. “The Department of Foreign Affairs (DFA) has found no passport and biometrics records under the name ‘Edgar Matobato’,” ayon sa […]

  • DA, patuloy na nakikipag-usap sa mas maraming LGUs para sa ‘nationwide’ NFA rice sale

    NAKIKIPAG-UGNAYAN na ang Department of Agriculture (DA) sa ilang piling local government units (LGUs) para sa pagbebenta ng National Food Authority (NFA) rice sa buong bansa. Ang pagbebenta ng NFA rice sa LGUs, sa mga ahensiya ng gobyerno at government-owned-and-controlled corporations ay nagkakahalaga ng P36/kg., kabilang na ang bagong giling o iyong hindi pa tumatandang bigas, […]

  • Mister, huli sa akto sa baril sa Caloocan

    KALABOSO ang 45-anyos na lalaki matapos maaktuhan ng mga nagpapatrulyang kapulisan habang sinusuri at hinihimas pa ang hawak ng baril sa Caloocan City. Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Edcille Canals ang suspek na si alyas ‘Wilfredo’. Ayon kay Col. Canals, habang nagpapatrulya […]

  • DBM, ipinalabas na ang budget para sa P7-K medical allowance ng mga gov’t workers

    IPINALABAS na ng Department of Budget and Management (DBM) ang budget para sa medical allowance para ngayong para sa mga manggagawa sa gobyerno.     “Na-release na rin po siya sa mga departments and agencies natin. May guidelines na rin po ‘yun. That’s the P7,000 per employee for their medical allowance,” ayon kay Budget Secretary Amenah […]

  • ES BERSAMIN sa mga PUBLIC SERVANTS: Manatiling walang kibo mula sa ingay sa pulitika

    PINAYUHAN ng Malakanyang ang mga public servants na dedmahin o magsawalang-kibo sa ingay sa pulitika at manatiling nakatuon na paghusayin at iangat ang kalagayan ng pamumuhay ng mga Filipino. “As we begin a new year, let us take the opportunity to renew our commitment to build the Bagong Pilipinas we all envision. Our mission today is […]

  • Hirit na P15 na taas sa pamasahe sa dyip, pinag-aaralan na ng LTFRB

    PINAG-AARALAN na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang hirit na P15 na taas na pamasahe sa dyip. Inamin ng ahensiya na humaharap ang mga tsuper at operators ng dyip sa mga hamon dahil sa pagsirit ng presyo ng langis at mataas na cost of living o antas ng pamumuhay. Kaya’t masinsinan aniyang pinag-aaralan […]

  • 17 Pinoy tripulante na pinakawalan ng mga Houthi rebels sa Yemen

    DUMATING na sa bansa ang 17 tripulante matapos na sila ay pakawalan ng Houthi rebels sa Yemen. Lumapag ang Oman Air flight 843 saa Ninoy Aquino Internaitonal Airport Terminal 1 sa lungsod ng Pasay nitong 9:31 ng gabi ng Huwebes lulan ang 17 Pinoy seafarers. Sinalubong sila ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo […]

  • Caloocan LGU, magtatayo ng government center

    OPISYAL na sinimulan ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan ang pagtatayo ng bagong government center, kasunod ng isinagawang groundbreaking ceremony na pinangunahan nina Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan at Congressman Oca Malapitan sa Barangay 101. Ang walong palapag na gusali ay magkakaroon ng mga nakalaang espasyo para sa parehong national at local government agencies, kabilang ang […]

  • Impeachment, hinahadlangan?

    KINONDENA ng Makabayan bloc sa kamara ang mabagal umanong proseo o takbo ng impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte.   Ayon kina ACT Teachers Rep. France Castro, GWP Rep. Arlene Brosas at Kabataan Rep. Raoul Manuel, wala silang nasaksihang kasaysan sa kamara  na natulog umano  nang mahigit isang buwan ang impeachment complaints sa Secretary General’s […]

  • DBM, nangako na reremedyuhan ang kasalatan sa pondo ng mga ahensiya ng gobyerno

    SINABI ng Department of Budget and Management (DBM) na may ilang paraan para tugunan ang kakapusan sa budget ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno para ngayong taon ng 2025.     Ito’y matapos na ihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na naghahanap ang gobyerno ng paraan para dagdagan ang 2025 national budget na isang“suboptimal” kasunod […]

  • Pasig, gagawing Smart City

    NANGAKO si Pasig City mayoralty candidate Sara Discaya na iaangat ang buhay ng bawat Pasigueno at gagawing ‘smart city’ ang lungsod. Ayon kay Discaya, sa ilalim ng kanyang administrasyon, titiyakin niya ang pagkakaroon ng pamahalaan ang Pasig City na marunong makinig sa mga residente at walang komunidad o barangay ang mapapabayaan. Sinabi ni Discaya na plano […]

  • PH Embassy, hindi sigurado kung umalis na ng Estados Unidos ang mga undocumented Pinoy bago pa ang mass deportation

    HINDI sigurado at hindi pa madetermina ng Philippine Embassy sa Washington kung may mga undocumented Filipino ang umalis na ng Estados Unidos bago pa ang inaasahang mass deportation sa ilalim ng Trump administration.     “We are not sure whether many of those that are undocumented na ating mga kababayan have left,” ayon kay Philippine Ambassador […]

  • Posibilidad na ma-extend ng 4 na buwan si Gen. Marbil bilang hepe ng PNP, pinag-aaralang mabuti ni PBBM

    PINAG-AARALANG mabuti ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang posibilidad na ma-extend ng apat na buwan ang panunungkulan ni Gen. Rommel Francisco Marbil bilang chief ng Philippine National Police (PNP).     Sa isang ambush interview kay Pangulong Marcos sa isang ambush interview matapos dumalo sa paglulunsad ng TESLA Center Philippines sa Tesla Center, Uptown Parade, Uptown […]

  • Pormal ng nanumpa bilang ika-47 pangulo ng Estados Unidos: PBBM, nagpaabot ng pagbati kay US Prexy Donald Trump

    NAGPAABOT ng kanyang pagbati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kay US President Donald Trump na pormal ng nanumpa bilang ika-47 pangulo ng Estados Unidos.     “Congratulations to POTUS @realdonaldtrump and to the American people on another peaceful transfer of power in their Nation’s nearly 250-year history. I look forward to working closely with you and […]

  • DBM, aprubado ang pagpapalabas sa P30.4-B para sa MUP pension para sa Q1 2025

    INAPRUBAHAN ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman ang pagpapalabas ng P30.409 billion para i-cover ang regular pension requirements ng military and uniformed personnel (MUP) para sa first quarter ng 2025. Sinabi ng DBM na ang pondo ay huhugutin sa Pension and Gratuity Fund sa ilalim ng Republic Act 12116 o 2025 General […]

  • Pinas, Tsina nagpulong sa Xiamen para pag-usapan ang mga isyu ukol sa South China Sea

    NAGPULONG ang mga opisyal ng Pilipinas at Tsina sa Xiamen, China, para sa 10th consultative meeting ng Bilateral Consultation Mechanism on the South China Sea. Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Foreign Undersecretary Ma. Theresa Lazaro na nagkaroon siya ng tapat at konstruktibong talakayan kasama si Chinese Vice Foreign Minister Chen Xiaodong hinggil sa South […]

  • DSWD, nagpaabot ng paunang tulong sa pamilya ng nag-viral na sampaguita vendor

    NAGBIGAY ng paunang tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamilya ng nag-viral na babaeng college student na inatake ng security guard sa labas ng isang mall sa Mandaluyong City. Sa naging kautusan na rin ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, personal na iniabot ni Assistant Secretary Irene Dumlao ang P20,000 kay Judith, ina […]

  • DSWD, nagpadala ng mas maraming ‘food packs’ sa Negros Island sakali’t mag-alboroto at pumutok ang Bulkang Kanlaon

    IPINAG-UTOS ni Social Welfare Secretary Rex Gatchalian sa Disaster Response Management Group ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magpadala ng mas maraming food packs sa Negros Island para sa inaasahang pagputok ng Bulkang Kanlaon, huling sumabog noong nakaraang Disyembre at nananatiling nasa Alert Level 3.   Sinabi ng DSWD na tiniyak ni Gatchalian […]